Art Mercado

Art Mercado This is my only page. Ingat sa ibang mga fake accounts. This is my only page.

You may follow my official social media accounts:

facebook.com/ArtJFMercado
twitter.com/ArtJFMercado
instagram.com/ArtJFMercado
tiktok.com/


For transparency purposes, you may send us an email for inquiries, feedbacks, and opinions at [email protected]

Rice distribution para sa ating solo parents. Maraming salamat po sa ating National Government sa patuloy na suporta par...
04/09/2026

Rice distribution para sa ating solo parents. Maraming salamat po sa ating National Government sa patuloy na suporta para sa ating mga solo parents.

Ang tulong na ito ay malaking bagay sa mga pamilyang araw-araw na nagsisikap at lumalaban. Sa ating mga solo parents, kasama ninyo kami. Patuloy tayong tutulong at susuporta. 😊🫶🏼

02/09/2026

Memorandum of Agreement signing event between the City Government of San Pedro and Calamba Medical Center last August 26, 2026 at CMC, Calamba City.

My deepest condolences to the family, friends, and colleagues of Engr. Julieta “Jojie” A. Tiñana.Engr. Jojie was a dedic...
02/09/2026

My deepest condolences to the family, friends, and colleagues of Engr. Julieta “Jojie” A. Tiñana.

Engr. Jojie was a dedicated public servant, a cheerful presence, and a good friend to many. Her years of service to San Pedro will always be remembered and valued.

To her family, may you find strength and comfort in this difficult time. Thank you, Engr. Jojie, for your service and friendship. You will be deeply missed.

Rest in peace. 🕊️

Ber Months na! 🎄✨September na! Mukhang pwede na talagang magpatugtog ng Christmas songs… kahit medyo maaga pa. 😅Hello, S...
01/09/2026

Ber Months na! 🎄✨

September na! Mukhang pwede na talagang magpatugtog ng Christmas songs… kahit medyo maaga pa. 😅

Hello, September! Let’s make the last months of the year count! 💚

Sa ating mga Junior City Officials, ang inyong paglilingkod ay simula pa lamang. 🇵🇭Ngayong National Heroes Day, kasabay ...
31/08/2026

Sa ating mga Junior City Officials, ang inyong paglilingkod ay simula pa lamang. 🇵🇭

Ngayong National Heroes Day, kasabay ng paggunita natin sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan, nais kong ipaalala sa ating mga kabataan na ang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng nakaraan.

May kabayanihang hinihintay ang bawat henerasyon.

Sa pagtatapos ng inyong panunungkulan bilang Junior City Officials ngayong Linggo ng Kabataan, dala ninyo ang isang mahalagang karanasan, ang matutong makinig, makibahagi, magdesisyon at maglingkod.

Hindi namin alam kung sino sa inyo ang magiging susunod na lider ng San Pedro, ng Laguna, o ng buong Pilipinas. Pero naniniwala ako na ang bawat isa sa inyo ay may kakayahang maging bayani ng sarili ninyong panahon.

Hindi kailangang maging sikat o makapangyarihan para makapaglingkod. Minsan, nagsisimula ang kabayanihan sa simpleng pagkilos para sa kapwa, sa paninindigan sa tama, at sa pagkakaroon ng malasakit sa komunidad.

Kayo ang susunod na henerasyon. Kayo ang susunod na mga lider. At kayo rin ang mga bayani na huhubog sa kinabukasan ng ating bayan.

Maraming salamat sa inyong serbisyo. Dalhin ninyo ang mga natutunan ninyo at patuloy kayong mangarap, kumilos, at maglingkod.

Happy National Heroes Day, San Pedronians! 🇵🇭

Ngayong araw, ating ginugunita ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.Pero an...
31/08/2026

Ngayong araw, ating ginugunita ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

Pero ang kabayanihan ay hindi natatapos sa kasaysayan. Sa bawat Pilipinong tumutulong, nagsisilbi, at gumagawa ng tama, patuloy na nabubuhay ang diwa ng pagiging bayani.

Mabuhay ang mga bayani. Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭

29/08/2026

A glimpse of Mayor Art Mercado’s busy week; building partnerships, supporting community efforts, and staying committed to the work of serving the people of San Pedro.

Dahil sa Orange Heavy Rainfall Warning sa Laguna, inanunsyo ni Governor Sol Aragones ang suspension ng klase bukas, Agos...
28/08/2026

Dahil sa Orange Heavy Rainfall Warning sa Laguna, inanunsyo ni Governor Sol Aragones ang suspension ng klase bukas, Agosto 29, para sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan na may Saturday classes.

Ngayong gabi, patuloy ang malakas na pag-ulan kaya hinihikayat ko ang ating mga kababayan na manatili sa ligtas na lugar at iwasang bumiyahe kung hindi naman kinakailangan.

Para sa ating mga magulang, siguraduhing ligtas at nasa bahay ang mga anak. Iwasan ang pagtawid sa baha at manatiling alerto sa mga susunod pang abiso mula sa ating mga awtoridad.

Mag-ingat po tayong lahat.

Noong Miyerkules, pormal nating nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of San Pedro at Cala...
28/08/2026

Noong Miyerkules, pormal nating nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of San Pedro at Calamba Medical Center para mas mapalawak ang access ng ating mga San Pedrense sa dekalidad at komprehensibong serbisyong pangkalusugan.

Habang patuloy nating itinatayo at pinapabuti ang ating mga sariling ospital at health facilities, malaking bagay para sa atin ang partnership na ito. Hindi naman kailangang hintayin nating matapos ang lahat bago natin mapalawak ang serbisyong maibibigay sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng partnership na ito, mas maa-access ng ating mga San Pedrense ang outpatient care, cancer-related services, specialized eye care, at iba pang kinakailangang medical services.

Maraming salamat po sa Calamba Medical Center sa pagtutulungan at pakikiisa. Mas marami tayong magagawa para sa ating mga kababayan kapag nagtutulungan ang mga institusyon para sa iisang layunin, ang mas maayos, mas accessible, at mas maaasahang healthcare para sa bawat San Pedrense.

Habang binubuo natin ang mas matibay na healthcare system ng San Pedro, bawat hakbang na nagpapalapit ng serbisyo sa ating mga kababayan ay mahalaga.

Masaya akong makita na umabot na sa sampu ang Jollibee branches sa ating lungsod.Simple lang naman ang ibig sabihin nito...
26/08/2026

Masaya akong makita na umabot na sa sampu ang Jollibee branches sa ating lungsod.

Simple lang naman ang ibig sabihin nito, may panibagong lugar kung saan puwedeng magsalo-salo ang pamilya, magkita ang magkakaibigan, o kahit huminto sandali pagkatapos ng mahabang araw.

Taos-puso rin akong bumabati at nakikiisa sa selebrasyon nina Haresh at Sharmila, mga may-ari ng bagong Jollibee branch sa Barangay Rosario. Congratulations sa inyong bagong branch at maraming salamat sa inyong pagtitiwala sa San Pedro.

Maraming salamat, Jollibee, sa patuloy na pagpili sa San Pedro at sa pagbubukas ng inyong pintuan para sa ating mga pamilya.

Welcome sa San Pedro ang inyong ika-10 branch. At sana, marami pang masasarap na kwento ang magsimula rito. 🍗❤️

Address

San Pedro
4023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Art Mercado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Art Mercado:

Shortcuts

Share