21/08/2026
Ang barbie kong sk ๐ฅฐ๐ค๐ฉท
๐๐๐๐๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐ข! ๐ฉท๐ค
๐๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ก | ๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐
Si ๐๐ถ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฎ ๐ฌ๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น ๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐ป ay 23 taong gulang at graduate ng ๐๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐น๐ผ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ถ๐ป ๐ฃ๐๐๐ฐ๐ต๐ผ๐น๐ผ๐ด๐. Kasalukuyan siyang nagsisilbi bilang ๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ, kung saan masaya niyang ginagampanan ang pagkakataong makatulong at makapaglaan ng oras para sa mga kabataan.
Sa kanyang panunungkulan, nais ni Bianca na mas marami pang kabataan ang mabigyan ng pagkakataong matuto at mahasa ang kanilang mga kakayahan. Para sa kanya, mahalagang may mga programang hindi lang para sa kasiyahan, kundi makakatulong din sa skills, education, at paghahanda ng kabataan para sa kanilang kinabukasan lalo na para sa mga kabataang naghahanap pa ng direksyon kung ano ang gusto nilang tahakin.
Isa rin sa mga nais niyang bigyang-pansin ay ang pagpapakilala sa kabataan kung paano gumagana ang ating gobyerno. Naniniwala si Bianca na mas magiging involved ang kabataan sa kanilang barangay kapag naiintindihan nila kung saan napupunta ang mga programa, paano ginagawa ang mga desisyon, at kung paano rin sila mismo makakapagbigay ng suhestiyon at makikilahok.
Bilang isang taong masayang tumulong sa kapwa kabataan, nais ni Bianca na manatiling madaling lapitan at handang makinig. Hindi man niya kayang solusyunan lahat nang mag-isa, handa siyang makipagtulungan, makinig sa pangangailangan ng kabataan, at gawin ang kanyang bahagi para mas maraming kabataan ang magkaroon ng oportunidad at mas maayos na kinabukasan.
Dahil naniniwala siya na dapat may ๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ang bawat kabataan, dala niya ang sigaw ng bawat kabataang pacitian:
โ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐๐ถ๐ฎ๐ป๐, ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐ป!โ