26/04/2026
𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗠 𝗗𝗔𝗬!🐜🎉✨
Ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟱𝟴 𝗮𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗺, ating balikan ang kasaysayan na humubog sa ating pagkakakilanlan, isang kasaysayang isinilang hindi sa kaginhawaan, kundi sa pakikibaka, pag-asa, at sama-samang pagpili na mag-ugat sa isang bagong tahanan.
Noong dekada 1960, kapansin-pansin ang pagdami ng mga informal settlements sa mga suburban na lugar sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng bakanteng lupa sa Metro Manila, isang sitwasyong hindi bunga ng maayos at planadong pamahalaan, kundi ng kakulangan sa centralized land use, zoning, at land administration (Dimalanta & Cunanan, 2025, citing Hutchison, 2007).
Kasabay nito, naging laganap ang mga demolition at relocation, partikular sa mga komunidad malapit sa Intramuros noong 1963 at sa Tondo at North Harbor noong 1964, bilang tugon sa tumataas na pangangailangan sa lupa dulot ng industrial at commercial expansion (Dimalanta & Cunanan, 2025, citing Hutchison, 2007).
Dahil dito, maraming pamilya ang sapilitang inilipat sa malalayong lugar gaya ng Sapang Palay sa Bulacan, Carmona sa Cavite, at 𝗦𝗮𝗻 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗼 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮, mga lugar na naging bagong simula ng kanilang buhay (Dimalanta & Cunanan, 2025, citing Karaos, 1993).
Sa gitna ng ganitong kalagayan, noong 1962, itinatag ni G. Francisco G. Benito, Sr. ang 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗺, 𝗜𝗻𝗰., na binubuo ng mahigit 20,000 pamilya mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, na may iisang adhikain, ang magkaroon ng lupang matatawag na sarili; ito ay pormal na nairehistro sa Securities and Exchange Commission noong Hunyo 21, 1965 sa ilalim ng Registration No. 27397 (History Book of Barangay Langgam, Ruby Anniversary Edition).
Bilang tugon ng pamahalaan, ipinasa ang Republic Act No. 6026 noong Agosto 4, 1969, na naglalayong itaguyod ang panlipunan at pang-ekonomiyang kapakanan ng mga relocated na pamilya, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang magbigay ng kinakailangang serbisyo at suporta (Republic Act No. 6026, 1969).
Ayon naman sa tala ng 𝗦𝗮𝗻 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗼 𝗥𝗲𝘀𝗲𝘁𝘁𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗿𝗲𝗮 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 (𝗦𝗣𝗥𝗔𝗖), isang direktiba ng Pangulo noong Marso 4, 1968 ang nagpasimula ng relocation ng mga pamilya mula Metro Manila patungo sa mga itinakdang lugar kabilang ang San Pedro, Laguna, at nagsimula ang aktwal na paglilipat noong Abril 1, 1968; kalaunan, naitatag ang SPRAC upang magbigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng malinis na tubig at iba pang pangangailangan ng komunidad (Cooperative Development Authority, SPRAC Success Story).
At ayon sa 𝗛𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗕𝗼𝗼𝗸 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗺, batay sa salaysay ng mga unang nanirahan at pioneer families, ang ika-apat na Linggo ng Abril ang kinikilalang araw ng pagkakatatag ng ating barangay, ang araw na unang naitatag ang isang komunidad na binuo ng pagkakaisa at pag-asa (History Book of Barangay Langgam, Ruby Anniversary Edition).
Sa paglipas ng panahon, ang dating komunidad ng mga nagsisimula pa lamang ay lumago at yumabong, mula sa iilang pamilyang unang nanirahan dito, ang Barangay Langgam ngayon ay may mahigit 30,000 na population, patunay ng patuloy na pag-unlad at paglago ng ating pamayanan.
Sa totoo lang, kung babalikan natin ang ating pinagmulan, iisa ang malinaw: lahat tayo ay naging dayuhan sa lugar na ito, ngunit pinili nating manatili, magtayo ng tahanan, at maging bahagi ng isang komunidad. Sa pagpiling iyon nagsimula ang ating pagkakaisa, at sa pagkakaisang iyon tayo patuloy na umuunlad.
Bilang SK Chairman/Ex-Officio Barangay Kagawad at isang law student na may pagmamahal sa kasaysayan, aking ipinagmamalaki na maipasa sa third and final reading ang mga ordinansang 𝗻𝗮𝗴𝗱𝗲𝗱𝗲𝗸𝗹𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗙𝗼𝘂𝗿𝘁𝗵 (𝟰𝘁𝗵) 𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆 𝗼𝗳 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝗔𝗻𝗻𝘂𝗮𝗹𝗹𝘆, 𝗮𝘀 "𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗺 𝗗𝗮𝘆" at ang 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲, 𝗛𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆, 𝗔𝗿𝘁𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗕𝗖𝗛𝗔𝗧𝗢), mga hakbang upang patuloy nating mapangalagaan at maipamana ang ating mayamang kasaysayan sa susunod na henerasyon.
Habang tayo’y tumitingin sa hinaharap, isang mahalagang tanong ang ating dapat pagnilayan: 𝗸𝘂𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝟱𝟴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗺? 𝗡𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮’𝘁 𝗶𝘀𝗮, 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝘆𝘂𝗻𝗶𝗻?
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟱𝟴 𝗮𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗺! Ang ating kasaysayan ay hindi lamang alaala, ito ay buhay na patuloy nating isinusulat. 🌱💙