31/10/2024
Isang maka-kalikasang araw po sa ating lahat!
Amin pong ipina-aalala sa lahat na tayo po ay maging bahagi ng ating pagsusumikap na maging Una sa Kalinisan saan man tayo naroroon.
Kaya naman po ngayong darating na Undas ay amin pong inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa ating munting programang, "BASURA MO, IUWI MO", upang ating mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.
Maraming Salamat po!