23/07/2026
📢 Mga taga-Calendola, magkita-kita po tayo bukas!
Hatid ng Pamahalaang Lungsod ang Araw ng Mamamayan: Serbisyo Caravan upang mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng inyong pamahalaan—mas mabilis, mas maginhawa, at mas abot-kamay.
🗓️ Hulyo 24, 2026 (Biyernes)
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Barangay Calendola Covered Court
Maraming serbisyong maaari ninyong ma-avail mula sa iba't ibang tanggapan ng City Government of San Pedro at ating mga katuwang, kabilang ang:
✅ Libreng legal advice
✅ Anti-rabies vaccination para sa alagang hayop
✅ Blood pressure at blood sugar monitoring
✅ Doctor's consultation at libreng gamot
✅ Haircut, manicure at pedicure
✅ Senior Citizen at Solo Parent services
✅ Business at building permit inquiries
✅ Livelihood, employment at cooperative services
✅ Libreng vegetable seeds at seedlings
✅ At marami pang iba!
Layunin nating ilapit ang mga serbisyong kailangan ninyo nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa City Hall.
Inaanyayahan ko po ang lahat ng residente ng Barangay Calendola na samantalahin ang pagkakataong ito. Dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumento para sa serbisyong nais ninyong i-avail.
Patuloy nating isusulong ang isang pamahalaang mas malapit, mas mabilis, at tunay na naglilingkod sa bawat mamamayan.
Magkita-kita po tayo bukas!