18/08/2026
UPDATE | AUGUST 19: ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT ALTERNATIVE LEARNING MODES
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng Malacañang, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Miyerkules, Agosto 19, 2026.
Para sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modalities upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Para naman sa mga tanggapan ng pamahalaan, mananatiling bukas ang mga frontline services para sa mga serbisyong kailangang maihatid sa ating mga kababayan.
Paalala po sa lahat na manatiling ligtas, maging alerto, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga ahensya ng pamahalaan at ng City Government of San Pedro.