09/06/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ฅ๐ ๐ข, ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ช๐ฒ๐น๐น๐ป๐ฒ๐๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ
Patuloy na pinalalakas ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Lokal na Pamahalaan ng San Pascual ang mga programa para sa kalusugan at kapakanan ng mga empleyado sa pamamagitan ng pagbili ng mga karagdagang kagamitan para sa municipal gym.
Sa pangunguna ni Mr. Rommer Gonzalez, Head ng HRMO, isinagawa ang pagkuha ng mga bagong gym equipment bilang bahagi ng pagpapaigting ng Employee Wellness Program na naglalayong hikayatin ang mga kawani ng pamahalaan na magkaroon ng aktibo at malusog na pamumuhay.
Kabilang sa mga bagong kagamitan ang Leg Curl/Leg Extension Machine, Dumbbells, EZ Bar Curl, Closed Grip Handle, Step-Up Board, Adjustable Bench, at Straight Rubber Barbell, na magagamit ng mga empleyado sa kanilang regular na ehersisyo at physical fitness activities.
Ayon sa HRMO, mahalagang mapanatili ang mabuting kalusugan ng mga empleyado upang higit nilang magampanan nang mahusay ang kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mamamayan. Bahagi rin ito ng adhikain ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng mas produktibo, masigla, at mas malusog na workforce.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapabuti ng mga pasilidad at wellness initiatives, pinatutunayan ng LGU San Pascual, sa pangunguna ni Mayor Conti at ng Sangguniang Bayan, sa pamumuno ni Vice Mayor Aguila, ang pagpapahalagang ito ay hindi lamang sa serbisyo sa publiko kundi pati na rin sa kapakanan ng mga taong nasa likod ng paghahatid nito.
๐ Ulat ni: Nico Camongol
๐ธ Mga larawan mula sa HRMO San Pascual