Sangguniang Kabataan ng Brgy. Kaingin - San Pascual, Batangas

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Kaingin - San Pascual, Batangas Official page of Sangguniang Kabataan ng Brgy. Kaingin, San Pascual Batangas

𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲, 𝐢𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 🏀𝐏𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐮𝐫 𝐨𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐫𝐨𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐊 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐜𝐨𝐥𝐨𝐫 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔 🔥𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘢𝘣𝘰...
15/04/2026

𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲, 𝐢𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 🏀
𝐏𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐮𝐫 𝐨𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐫𝐨𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐊 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐜𝐨𝐥𝐨𝐫 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔 🔥

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘤𝘰𝘭𝘰𝘳𝘴—𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘱𝘳𝘪𝘥𝘦, 𝘨𝘳𝘪𝘵, 𝘢𝘵 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘭𝘢𝘳𝘰.
𝘎𝘢𝘮𝘦 𝘰𝘯, 𝘒𝘢𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯!

12/04/2026

NASAN NA PO KAYO MGA PLAYER’s?😄

12/04/2026

KITA KITS PO MAMAYANG 6:00PM SA ATING COVERED COURT, PARA SA ATING BUNUTAN MGA PLAYERS🤗

Para sa lahat ng mga kabataan at manlalaro ng Barangay Kaingin,Nais po naming ipabatid ang ilang mahahalagang pagbabago ...
29/03/2026

Para sa lahat ng mga kabataan at manlalaro ng Barangay Kaingin,

Nais po naming ipabatid ang ilang mahahalagang pagbabago at adjustments para sa ating gaganaping SK Kaingin Basketball League 2026. Matapos ang masusing pagpupulong ng ating Sangguniang Kabataan, narito po ang mga bagong detalye:

📌 Extension ng Registration
Upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang nagnanais lumahok at mas mapadami pa ang ating mga koponan, ang deadline ng palistahan ay extended hanggang April 11, 2026.
Hindi pa po natin naabot ang kinakailangang dami ng mga manlalaro upang makabuo ng inaasahang bilang ng mga team, kaya’t minarapat po naming i-extend ang registration.

📌Anunsyo sa Bunutan (Drawing of Colors)
Ang nakatakdang bunutan ngayong March 29, 2026 (Linggo) ay CANCELLED.
Ito ay dahil sa kakulangan pa ng bilang ng mga manlalaro at koponan.

📌 Pagtugon sa Panawagan ng Sangguniang Bayan
Bilang pakikiisa at pagtalima sa mungkahi ng ating Sangguniang Bayan, pansamantala po nating ia-adjust ang timeline ng ating liga. Layunin nito na maging sensitibo sa kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya at matiyak na ang ating aktibidad ay makatutulong sa lahat nang walang labis na pasanin.

📌 Bagong Iskedyul ng Bunutan
Ang pagpipili ng kulay ng bawat koponan ay gaganapin sa April 12, 2026 (Linggo) sa ating Covered Court. Inaasahan ang pagdalo ng mga kinatawan ng bawat team.

📌 Paghahanda para sa Opening
Nais naming linawin na tuloy na tuloy ang ating liga. Ang adjustment na ito sa ating Opening Day ay magsisilbing karagdagang panahon para sa bawat manlalaro at koponan na mas makapag-ensayo at makapaghanda nang maigi.

Hiling po namin ang inyong malawak na pang-unawa. Ang lahat ng hakbang na ito ay para sa ikagaganda at ikatatagumpay ng ating programa para sa kabataan.

Manatiling nakasubaybay sa ating page para sa mga susunod pang anunsyo.
Maraming salamat po!

ANUNSYO: SK BASKETBALL LEAGUE 2026Inaanyayahan ang lahat ng mga nagpalista at magpapalista sa SK Basketball League na du...
25/03/2026

ANUNSYO: SK BASKETBALL LEAGUE 2026
Inaanyayahan ang lahat ng mga nagpalista at magpapalista sa SK Basketball League na dumalo sa pulong na gaganapin sa:
📅 Petsa: Linggo, Marso 29, 2026
🕡 Oras: 6:30 ng gabi
📍 Lugar: Kaingin Covered Court
Tatalakayin sa pulong:
- Magiging takbo ng palaro
- Mga rules at regulations
- Bunutan ng koponan/colors na kabibilangan

⚠️ MAHALAGA: Ang huling araw ng pagpapalista ay Sabado, Marso 28, 2026 na lamang. Lahat ng gustong sumali ay hinihikayat na magpalista bago pa matapos ang deadline.

Hinihiling sa lahat ng sasali na makilahok at dumalo sa nasabing pulong. Ang inyong presensya ay napakahalaga para sa maayos na pagsisimula ng liga.

Maraming salamat at inaasahan ang inyong aktibong pakikilahok!
— Sangguniang Kabataan ng Kaingin

𝙇𝙖𝙧𝙤 𝙣𝙖, 𝙆𝙖𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣!🏀𝙎𝙆 𝙆𝘼𝙄𝙉𝙂𝙄𝙉 𝘽𝘼𝙎𝙆𝙀𝙏𝘽𝘼𝙇𝙇 𝙇𝙀𝘼𝙂𝙐𝙀 2026 — 𝙎𝘼𝙇𝙄 𝙉𝘼!Ipinagmamalaki ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Kaingin...
17/03/2026

𝙇𝙖𝙧𝙤 𝙣𝙖, 𝙆𝙖𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣!🏀
𝙎𝙆 𝙆𝘼𝙄𝙉𝙂𝙄𝙉 𝘽𝘼𝙎𝙆𝙀𝙏𝘽𝘼𝙇𝙇 𝙇𝙀𝘼𝙂𝙐𝙀 2026 — 𝙎𝘼𝙇𝙄 𝙉𝘼!

Ipinagmamalaki ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Kaingin ang opisyal na paglulunsad ng pinaka-inaabangan na paligsahan ng taon! Bukas ito para sa lahat ng kabataang taga-Kaingin, Junior o Senior division man.

Pero bago mag-alaga ng bola — mag-attend muna sa MARCH 22 ASSEMBLY sa Kaingin Covered Court! Dito natin pag-uusapan ang lahat ng official rules, regulations, at timeline ng paligsahan.

𝐍𝐨 𝐞𝐱𝐜𝐮𝐬𝐞𝐬. 𝐒𝐡𝐨𝐰 𝐮𝐩, 𝐬𝐮𝐢𝐭 𝐮𝐩, 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐞. 💪
𝐒𝐞𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 — 𝐒𝐀𝐋𝐈 𝐍𝐀! 🔥


📢 𝐂𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐥 𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧!Sama-sama nating buuin ang kinabukasan ng ating barangay sa KK A...
16/03/2026

📢 𝐂𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐥 𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧!

Sama-sama nating buuin ang kinabukasan ng ating barangay sa KK Assembly ng SK Kaingin para sa FY 2026! Ito ang iyong pagkakataon na marinig, makita, at maramdaman kung paano tayo magkasamang gumagalaw para sa isang mas aktibo, at nagkakaisang komunidad.

📅 March 22, 2026
🕒 3:00 PM
📍 Barangay Kaingin Covered Court

𝘼𝙣𝙜 𝙗𝙤𝙨𝙚𝙨 𝙢𝙤 𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖. 𝘼𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙚𝙨𝙚𝙣𝙨𝙮𝙖 𝙢𝙤 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮.

𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧, 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟐. 𝐀𝐧𝐨, 𝐭𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚?


𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 | 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔𝘛𝘰𝘥𝘢𝘺, 𝘸𝘦 𝘨𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦𝘥. 𝘛𝘰𝘥𝘢𝘺, 𝘸𝘦 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘯𝘦𝘥. 𝘈𝘯𝘥 𝘴𝘰𝘰𝘯 , 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭...
14/03/2026

𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 | 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝘛𝘰𝘥𝘢𝘺, 𝘸𝘦 𝘨𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦𝘥. 𝘛𝘰𝘥𝘢𝘺, 𝘸𝘦 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘯𝘦𝘥. 𝘈𝘯𝘥 𝘴𝘰𝘰𝘯 , 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭 𝘴𝘦𝘦 𝘸𝘩𝘺. 👀

The Sangguniang Kabataan of Barangay Kaingin held its Regular Session for Year 2026, where we sat down, aligned our vision, and laid the groundwork for what is shaping up to be an exciting and action-packed season for our beloved youth.

𝙎𝙩𝙖𝙮 𝙩𝙪𝙣𝙚𝙙. 𝙎𝙩𝙖𝙮 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙮. 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣, 𝙩𝙝𝙞𝙨 𝙤𝙣𝙚'𝙨 𝙛𝙤𝙧 𝙮𝙤𝙪.

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐇𝐎𝐍. 𝐀𝐋𝐄𝐗𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀 𝐂. 𝐓𝐎𝐋𝐄𝐍𝐓𝐈𝐍𝐎, 𝐑𝐂𝐑𝐈𝐌!From the bottom of our hearts, we are beyond proud to celebrate you...
13/03/2026

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐇𝐎𝐍. 𝐀𝐋𝐄𝐗𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀 𝐂. 𝐓𝐎𝐋𝐄𝐍𝐓𝐈𝐍𝐎, 𝐑𝐂𝐑𝐈𝐌!

From the bottom of our hearts, we are beyond proud to celebrate your success in the February 2026 Criminologist Licensure Examination! 🎊

This achievement is a testament to all the sleepless nights, the sacrifices, and the unwavering determination you poured into reaching this milestone. And you did it!

With love and pride,
Your SK ng Kaingin Family 💚

LOST KEY!!Color Blue Lace, nawala po ito nung jan 31 bandang 10-11.  Nawala o nalaglag ito sa Kaingin Ilaya to Lecca. Ku...
07/02/2026

LOST KEY!!

Color Blue Lace, nawala po ito nung jan 31 bandang 10-11. Nawala o nalaglag ito sa Kaingin Ilaya to Lecca. Kung sino man po ang nakapulot, makakapulot o makakita nito ay mangyaring mag message lamang po kay Carlla Jeanne Romo Landicho o sa ating page. Salamat po!

02/02/2026

Address

San Pascual
4204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Kaingin - San Pascual, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share