Sangguniang Barangay Sta. Elena

Sangguniang Barangay Sta. Elena OFFICIAL PAGE OF BARANGAY STA. ELENA - MUNICIPALITY OF SAN PASCUAL BATANGAS

02/05/2026

📢🎉 ANUNSYO SA NALALAPIT NA FIESTA 🎉📢

Magandang hapon po, mga kabarangay!

Sa ngayon po ay magkakaroon muna tayo ng simpleng selebrasyon ng ating pista sa darating na Mayo 4, 2026 (Lunes).

Narito po ang mga nakatakdang aktibidad:
🙏 Umaga (8:30 AM)
• Banal na Misa kasabay ang Binyag

🌸 Hapon (5:00 PM)
• Prusisyon para sa ating mahal na Birhen

Maaari pa rin po tayong maghanda sa ating mga tahanan.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at makilahok sa ating selebrasyon.

Maraming salamat po at mabuhay ang ating barangay! 🎊

— Sangguniang Barangay

📢 PAKIUSAP PO SA LAHAT 📢Nakikiusap po si Mr. Jaime Aguirre, lalo’t higit sa mga nakatira malapit sa kaniyang bahay, na k...
15/04/2026

📢 PAKIUSAP PO SA LAHAT 📢

Nakikiusap po si Mr. Jaime Aguirre, lalo’t higit sa mga nakatira malapit sa kaniyang bahay, na kung maaari ay huwag gawing tapunan ang kanyang bakuran at paligid ng mga pisti at patay na manok.

Gayundin po, pati piggery bank ,,mga ponding bombilya(pinagpalitan) ay doon din daw po itinatapon.

Ito po ay isang PAKIUSAP at hindi po REKLAMO .

Igalang po natin ang kapwa at panatilihin ang kalinisan sa ating komunidad.

Maraming salamat po 🙏

Magandang Gabi po Barangay STA. ELENA‼️PAMBARANGAYAN NA PO BUKAS AT BARANGAY ASSEMBLY 1ST SEM 2026.April 14, 2026/COURT5...
13/04/2026

Magandang Gabi po Barangay STA. ELENA‼️

PAMBARANGAYAN NA PO BUKAS AT BARANGAY ASSEMBLY 1ST SEM 2026.

April 14, 2026/COURT

5:30-5:45am Departure ng RHU

Traffic step 1-2 : Angel

Step 1 Vital signs + ITR : Lala / Mame / Cilay

Step 2 Registration : Mimay / Fia / Jaycel / Larizza / Yvonne / Marga / Khim / MacMac/ Shaun

Step 3 FPE : Chloe / Malou / Grace

Traffic step 3-5 : Aloi

Step 4 JCOR + 2 BHW (Grace / Divine)

Step 5 Laboratory : Darlene / Justine / Blessy / 1 Medtech / Jhec / Grace

ECG : Abigail / Vergie (BNS)

Traffic Step 6 - 7 : Eugene

Step 6 Consultation : Doc Manny / Doc Pam

Step 7 Pharmacy : Alyssa / Annabelle / Jasmine

Ambulance :
Celo : service ng doctor (7am)
Nolly : Service ng staff (5:30-5:45am)

Kita Kits po bukas😊💕

09/04/2026

💧 UPDATE SA PAG AASIKASO NG NWRB REGISTRATION💧📢

Magandang araw po, mga kabarangay!

Narito po ang pinakabagong ulat tungkol sa pagproseso ng permit ng ating patubig:

💧 STA. ELENA COMMUNITY WATER SUPPLY SYSTEM INC. (approved na pangalan ng patubig ng Barangay)

💰 Kabuuang Nakolekta: ₱257,000

📌 Mga Nagastos:
🔹 BIR at SEC Processing – ₱30,000
🔹 Sign & Seal (Site Dev’t at Pipeline Layout – 2 patubig) – ₱67,500
🔹 BIR at SEC Fees – ₱28,000
🔹 Notaryo – ₱4,500

💵 Kabuuang Nagastos: ₱130,000
💵 Natitirang Koleksyon: ₱127,000

📊 STATUS NG PERMIT:

✅ Kasalukuyan na pong nasa proseso sa SEC at BIR

📌 Mga Susunod na Hakbang:
➡️ Pagkatapos ng SEC at BIR, isusunod po ang ECC Application na may tinatayang halaga na ₱200,000

➡️ Matapos ang ECC, susunod naman po ang NWRB Permit Application na may halagang ₱105,000

📌MAHALAGANG PAALALA:
• Hindi pa po kasama sa mga halagang nabanggit ang ECC penalty (₱50,000) (maaari daw po mabawasan)
• Wala pa pong ibinigay na eksaktong halaga para sa NWRB penalty

💙 MENSAHE PARA SA LAHAT:
Ang proyektong ito ay para sa ating lahat—para sa mas maayos, malinis, at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa ating barangay.

Alam po namin na malaki pa ang mga kailangang proseso at gastusin, ngunit patuloy po kaming kumikilos at humihiling ng inyong tiwala, pang-unawa, at suporta.

📢 TRANSPARENCY COMMITMENT:
Patuloy po kaming maglalabas ng update upang malinaw at bukas ang lahat ng impormasyon sa ating komunidad.

🙏 Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Sama-sama po nating maisakatuparan ang proyektong ito para sa kinabukasan ng ating barangay.

09/04/2026

Update po natin sa water system collection para sa buwan ng MARSO 2026:‼️‼️‼️

Total collection: Php 61,930.00
MERALCO bill : Php 50,390.00

📍Net Income : Php 11,540.00

Maraming Salamat po😊

📢 ANUNSYO SA BARANGAYIpinapaalam po sa lahat na ang sumusunod na kautusan ay naipaabot na po kay Hepe Dayagan.Ito po ay ...
08/04/2026

📢 ANUNSYO SA BARANGAY

Ipinapaalam po sa lahat na ang sumusunod na kautusan ay naipaabot na po kay Hepe Dayagan.

Ito po ay ipatutupad simula NGAYONG GABI

Kaugnay nito, hinihiling po namin na ipaalam ito sa lahat ng ating mga kababayan upang maiwasan ang anumang abala o reklamo sakaling may mahuli na lumalabag.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

📢 PAKIUSAP PO SA LAHAT 🐱Baka po may makakita o may maligaw na pusa sa inyong bahay o harapan, pakiusap po na ipagbigay-a...
02/04/2026

📢 PAKIUSAP PO SA LAHAT 🐱

Baka po may makakita o may maligaw na pusa sa inyong bahay o harapan, pakiusap po na ipagbigay-alam o i-chat na lamang po ang may-ari.
Ang may-ari po ng pusa ay si Yatzkie (aka Bo)

📍 Ito po ang hitsura ng nawawalang pusa:

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa! 🙏

Address

Sta. Elena
San Pascual

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Sta. Elena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category