Rainier Ilagan Dacut

Rainier Ilagan Dacut The official Page of RAINIER ILAGAN DACUT

23/04/2026

๐๐€๐†๐“๐”๐“๐”๐‘๐Ž ๐๐† ๐“๐€๐Œ๐€๐๐† ๐†๐€๐‹๐€๐– ๐๐† ๐’๐€๐˜๐€๐–, ๐”๐๐€๐๐† ๐‡๐€๐Š๐๐€๐๐† ๐’๐€ ๐๐€๐†๐‡๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐’๐“๐”๐‹๐€๐ ๐…๐„๐’๐“๐ˆ๐•๐€๐‹

Ang Pastulan Festival, na sadyang inaabangan at nilalahukan ng ibang-ibang barangay, paaralan at organisasyong sibiko ng San Pascual ay inisyatibo ng simbahan ng Parokya ni San Pascual Baylon upang makapagpasalamat sa patrong pintakasi para sa isang buong taong kasaganahan at upang parangalan at papurihan ang patrong pastol ng ating bayang taglay hindi lamang ang kanyang pangalan, mandiโ€™y pati ang kanyang pamamatnubay. Itinakda ang araw ng taunang Pastulan Festival na ngayon ay nasa ika-18 taon na, sa darating na huling Sabado (Mayo 16, 2026) bago sumapit ang Kapistahan ng Barangay Poblacion, Mayo 17.

At bilang paghahanda, tinipon ng pamunuan ng komite ng 18th Pastulan, sa pangunguna ng chairperson nito na si G. Ranier Ilagan Dacut ang mga mananayaw ng nasabing festival upang sila ay maturuan ng tamang eksekusyon ng mga pangunahing galaw o basic steps ng sayaw. Ito ay isinagawa noong nakaraang Lingo, April 19, 2026, sa simbahan ng Parokya.

Dito ay itinama ang tila nakasanayang maling galaw ng mga mananayaw ng mga nakaraang Pastulan. Sa pamamagitan ng step-by-step na pagtuturo, kasama na ang tamang posisyon ng mga kamay, natutunan ng mga dumalo ang mga tamang steps pati na rin ang kahulugan ng bawat galaw nito.

23/04/2026

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ ๐——๐—”๐—ก๐—–๐—˜: ๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜

Ang sayaw ng Pastulan ay isang masining na pagpapahayag ng ating debosyon at pagkilala sa mga biyayang handog ng Panginoon, sa tulong ng panalangin ni San Pascual. Ang bawat galaw-- pagtaas ng kamay, pagbaba nito, pag-ikot at pagtalon ay nagiging buhay na panalangin at sadyang may sariling kahulugan.

๐™‹๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ. Sumisimbolo ito ng ating pag-aalay ng papuri sa Banal na Eukaristiya, tanda ng ating buong pusong pagsamba at pagkilala sa presensya ng Panginoon.

๐™‹๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™—๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ. Ibinababa natin ang ating mga kamay nang may kababaang loob at taos-pusong pasasalamat sa Kanyang walang-sawang biyaya at pagmamahal sa bawat isa.

๐™‹๐™–๐™œ-๐™ž๐™ ๐™ค๐™ฉ. Ito ay sumasagisag sa patuloy na paglalakbay ng pananampalataya na sa bawat ikot ng ating buhay ay kinikilala natin ang mga biyayang Kanyang ipinagkaloob, gaano man kaliit o kalaki.

๐™‹๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ค๐™ฃ. Ang galaw na ito ay isang masiglang pagpupuri sa Diyos. Dito ay ipinapahayag natin ang galak sa ating mga puso. Kagalakan para sa Kanyang kabutihan at katapatan.

โ€œ๐‘ฉ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’˜ ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’‘๐’–๐’“๐’Š. ๐‘บ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‰๐’‚๐’Œ๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•. ๐‘บ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‘๐’–๐’”๐’ ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’Š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’‚๐’š๐’‚โ€โ€”๐‘น๐’‚๐’Š๐’๐’Š๐’†๐’“ ๐‘ฐ๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ ๐‘ซ๐’‚๐’„๐’–๐’•, ๐‘ช๐’‰๐’‚๐’Š๐’“๐’Ž๐’‚๐’, 18๐’•๐’‰ ๐‘ท๐’‚๐’”๐’•๐’–๐’๐’‚๐’ ๐‘ญ๐’†๐’”๐’•๐’Š๐’—๐’‚๐’

Address

Poblacion
San Pascual
4202

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rainier Ilagan Dacut posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share