Barangay Padre Castillo

Barangay Padre Castillo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Padre Castillo, Government Organization, Purok 1, San Pascual.

Buwanang pagpupulong ng SANGGUNIANG BARANGAY PADRE CASTIILOAugust 4,2026Kasamang tinalakay ang tungkol sa pagbisita ng m...
12/08/2026

Buwanang pagpupulong ng SANGGUNIANG BARANGAY PADRE CASTIILO

August 4,2026

Kasamang tinalakay ang tungkol sa pagbisita ng mga taga PHO at RHU para SA BREASTFEEDING AREA ng Barangay Health Center at SA iba pang pangngailangan gamit.

Pagpapalipat ng lupang Agrikultura SA Pang residential para sa pagpapatayo ng Bahay ni G. Benjie sa Purok 1

BARANGAY NIGHTโค๏ธAUGUST 8,2026
12/08/2026

BARANGAY NIGHTโค๏ธ

AUGUST 8,2026

๐Ÿซ PAGBISITA NG ATING MAYOR ROANNA CONTI SA PADRE CASTILLO ELEMENTARY SCHOOL ๐Ÿ’™Isang makabuluhang pagbisita ng ating butih...
12/08/2026

๐Ÿซ PAGBISITA NG ATING MAYOR ROANNA CONTI SA PADRE CASTILLO ELEMENTARY SCHOOL ๐Ÿ’™

Isang makabuluhang pagbisita ng ating butihing Mayor, kasama ang mga Sangguniang Bayan (SB), sa Padre Castillo Elementary School.

Layunin ng pagbisita na kumustahin ang ating mga g**o at mag-aaral, at makita ang kalagayan at pangangailangan ng ating paaralan.

Maraming salamat po sa inyong panahon, malasakit, at patuloy na suporta para sa edukasyon at sa ating mga kabataan. ๐Ÿ™๐Ÿ“š

Sama-sama para sa mas magandang kinabukasan ng Padre Castillo! โค๏ธ

๐ŸŒ‰ PADRE CASTILLO BRIDGE โ€” SOON TO RISE! ๐ŸŒ‰August 12,2026Isang bagong tulay, bagong pag-asa, at mas magandang kinabukasan ...
12/08/2026

๐ŸŒ‰ PADRE CASTILLO BRIDGE โ€” SOON TO RISE! ๐ŸŒ‰

August 12,2026

Isang bagong tulay, bagong pag-asa, at mas magandang kinabukasan para sa ating komunidad. โค๏ธ

Padre Castillo Bridge โ€” soon to rise!
Para sa mas ligtas, mas maayos, at mas mabilis na paglalakbay ng ating mga kabarangay. ๐Ÿ™โœจ

Padre Castillo, San Pascual, Batangas โ€” patuloy na umaangat! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

05/08/2026

๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž:
๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†?

Marami ang nagtatanong kung bakit may mga pamilyang nakasama sa listahan ng UPLIFT Assistance habang ang iba naman ay hindi.

Dahil dito, may ilang mamamayan ang nagpapahayag ng pagkadismaya at maging ng akusasyon na umano'y nagkaroon ng "palakasan" o paboritismo sa pagpili ng mga benepisyaryo.

Mahalagang maunawaan ng publiko na ang mga opisyal ng barangay ay walang kapangyarihang pumili, magdagdag, magtanggal o magpalit ng pangalan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance.

Ang listahan ay nagmumula sa mga pambansang database at mga ahensya ng pamahalaan, alinsunod sa itinakdang pamantayan ng national government.

๐™‚๐™ง๐™ค๐™ช๐™ฅ 1 โ€“ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐˜ฝ๐™š๐™ฃ๐™š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ง๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ 4๐™‹๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™’๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ช๐™ฉ๐™ค๐™ข ๐™‹๐™ง๐™ค๐™œ๐™ง๐™–๐™ข

Ang unang grupo ng mga makatatanggap ng ayuda ay ang mga kasalukuyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program.

Sila ay tatanggap ng halagang dalawang libong pisong one-time cash assistance.

Ang kanilang mga pangalan ay nasa opisyal na talaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Dahil dito, ang DSWD ang nagtatakda kung sinu-sino ang kabilang sa grupong ito. Hindi na sila muling pinipili ng barangay sapagkat sila ay rehistrado at kasalukuyang benepisyaryo na ng nasabing mga programa ng pamahalaan.

๐™‚๐™ง๐™ค๐™ช๐™ฅ 2 โ€“ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™๐™ž๐™๐™ž๐™ง๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– 2024 ๐˜พ๐˜ฝ๐™ˆ๐™Ž

Ang ikalawang grupo ay binubuo ng mga mahihirap na kabahayan na natukoy sa pamamagitan ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang CBMS ay isang malawakang pangangalap ng datos o census tungkol sa kalagayan ng bawat pamilya, kabilang ang kanilang kabuhayan, kita, pabahay, edukasyon, at iba pang impormasyon.

Ang datos na ito ay isinumite ng PSA sa iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at naging batayan ng DSWD sa pagtukoy ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Kung ang isang pamilya ay hindi kabilang sa listahan ng mga napiling benepisyaryo batay sa CBMS, hindi ito nangangahulugang may nagtanggal ng kanilang pangalan sa barangay. Ang naging batayan ay ang opisyal na datos na nakalap noong isinagawa ang CBMS.

Ang mga benepisyaryo sa grupong ito ay tatanggap ng โ‚ฑ2,000 bawat buwan mula Hulyo hanggang Disyembre, 2026.

๐™‚๐™ง๐™ค๐™ช๐™ฅ 3 โ€“ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™‡๐™ค๐™ฌ-๐™„๐™ฃ๐™˜๐™ค๐™ข๐™š ๐™’๐™ค๐™ง๐™ ๐™š๐™ง๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™Ž๐™Ž

Ang ikatlong grupo ay binubuo ng humigit-kumulang 1.5 milyong manggagawang may mababang kita na nakarehistro sa Social Security System (SSS).

Ang listahang ito ay direktang nagmumula sa rekord ng SSS batay sa mga pamantayang itinakda ng pamahalaan. Ang mga kwalipikadong manggagawa ay tatanggap ng โ‚ฑ2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre, 2006.

Muli, walang papel ang barangay sa pagpili ng mga benepisyaryong kabilang sa grupong ito.

๐—”๐—ป๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†?

Ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay ay nakatuon sa pagtulong sa maayos na implementasyon ng programa.

Kabilang dito ang:
* Pagpapaskil o pagpapalabas ng opisyal na listahan kapag ipinadala ng DSWD o ng kinauukulang ahensya;
* Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa schedule ng payout o distribusyon;
* Pagpapanatili ng kaayusan at pagtulong sa maayos na daloy ng pamamahagi ng ayuda;
* Pagtugon sa mga katanungan ng mga residente at pag-uugnay sa kanila sa tamang tanggapan kung may nais silang ipa-verify.

๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’–๐’๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’Š๐’๐’Š ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’†๐’๐’†๐’‘๐’Š๐’”๐’š๐’‚๐’“๐’š๐’ ๐’ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’…๐’†๐’…๐’†๐’”๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ ๐’Œ๐’–๐’๐’ˆ ๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’๐’Š๐’”๐’•๐’‚๐’‰๐’‚๐’.

๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…๐Ÿ…๐Ÿ…›๐Ÿ…๐Ÿ…›๐Ÿ… ๐Ÿ…ข๐Ÿ… ๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…ค๐Ÿ…‘๐Ÿ…›๐Ÿ…˜๐Ÿ…š๐Ÿ…ž:
Kung may katanungan o nais linawin tungkol sa pagiging kwalipikado sa UPLIFT Assistance, mas makabubuting dumulog sa DSWD, sa City o Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO), o sa iba pang kinauukulang ahensya na nangangasiwa sa programa.

Ang pag-unawa sa proseso ay mahalaga upang maiwasan ang maling impormasyon at ang hindi makatarungang pagbibintang sa mga opisyal ng barangay na nagsisilbi lamang bilang katuwang sa implementasyon ng programa at hindi sa pagpili ng mga tatanggap ng ayuda.

AKTIBONG PAKIKILAHOK NG  BARANGAY OPISYALGROUP 4 ...ANG   LINGGUHAN PAGLILINIS SA  BARANGAY๐ŸซฐTaos-pusong nagpapasalamat k...
31/05/2026

AKTIBONG PAKIKILAHOK NG BARANGAY OPISYAL
GROUP 4 ...

ANG LINGGUHAN PAGLILINIS SA BARANGAY๐Ÿซฐ

Taos-pusong nagpapasalamat kay Gng. Julieta Alba sa kanyang aktibong pakikilahok SA pagganap sa programang โ€œTapat Ko, Linis Ko.โ€

ALINSUNOD SA MEMORANDUM CIRCULAR NG DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG)

May 31, 2026

PAABISO SA MGA RESIDENTE ๐Ÿ“ขIpinaaalam po sa lahat na magsisimula ngayong araw ng Linggo,ika - 24 ng Mayo ,2026 ang Soil T...
23/05/2026

PAABISO SA MGA RESIDENTE ๐Ÿ“ข

Ipinaaalam po sa lahat na magsisimula ngayong araw ng Linggo,ika - 24 ng Mayo ,2026 ang Soil Test / Soil Investigation para sa planong proyekto ng tulay sa Padre Castillo.
Layunin ng pagsusuring ito na malaman ang kundisyon at tibay ng lupa upang matiyak ang maayos, ligtas, at matibay na konstruksyon ng tulay para sa kapakinabangan ng mamamayan.
Inaanyayahan po ang kooperasyon at pang-unawa ng lahat habang isinasagawa ang nasabing pagsusuri.
Maraming salamat po.

Isang taos-pusong pagbati at pagsaludo kayBb. Catherine  Leisha B. De Chavezsa inyong natamong karangalan bilang bahagi ...
07/05/2026

Isang taos-pusong pagbati at pagsaludo kay
Bb. Catherine Leisha B. De Chavez
sa inyong natamong karangalan bilang bahagi ng Philippine Military Academy "Talang Dangal".

Noon pa man ay nakikita na ang iyong husay at galing sa larangan ng Volleyball, at tunay na ikaw ay sadyang maipagmamalaki ng ating pamayanan. Ngayon, higit pa na iyong pinatunayan ang iyong kakayahan at dedikasyon sapagkat isa na ikaw sa mga ipinagmamalaki hindi lamang ng barangay kundi ng buong Pilipinas.

Nawaโ€™y patuloy kang maging inspirasyon at huwaran sa kabataan upang magsikap, mangarap, at magtagumpay sa buhay.
Mabuhay po kayo at pagpalain pa ng Poong Maykapal sa inyong patuloy na paglilingkod sa bayan.

๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—Ÿ๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—˜๐—— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—˜๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—˜๐—˜๐—ฅ๐—ฆ!Congratulations to you for achieving astounding success for...
02/05/2026

๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—Ÿ๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—˜๐—— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—˜๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—˜๐—˜๐—ฅ๐—ฆ!

Congratulations to you for achieving astounding success for Passing the Licensure Examination for Registered Electrical Engineer in April 2026.

๐Ÿ“ฃ PAANYAYA SA LAHAT ๐Ÿ“ฃ๐ŸŒฟ Mapagpalang Araw po ๐ŸŒฟInaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Padre Castillo  na dumalo...
02/05/2026

๐Ÿ“ฃ PAANYAYA SA LAHAT ๐Ÿ“ฃ

๐ŸŒฟ Mapagpalang Araw po ๐ŸŒฟ

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Padre Castillo na dumalo at makiisa sa gaganaping PAMBARANGAYAN
(Pamahalaang Bayan at Barangay na Ugnayan) sa darating na:

๐Ÿ—“๏ธ May 5, 2026 (Martes)
๐Ÿ“ Multipurpose Covered Court
๐Ÿ•– 7:00 ng umaga

๐Ÿ“Œ PAALALA:
Para po sa mga magpapa-blood test, kinakailangan po ang 10 oras na fasting bago ang pagsusuri.

๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡ Nasa ibaba po ang iba pang detalye, na kung saan sila po MISMO ang baba SA ating barangay.

*๐Ÿ‘‰ SA mga napadalhan po ng papel ng buwis ay maari din po kayong SA MAY 5 magbayad SA ating Covered court.

Maraming salamat po at inaasahan po ang inyong pakikiisa. ๐Ÿ’š

Address

Purok 1
San Pascual
4204

Telephone

+639519501920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Padre Castillo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Padre Castillo:

Shortcuts

Share