20/02/2024
BADAC Roll-Out
Personal na dinaluhan ni SK Federation Eldrich Khristoffer Villanueva ang BADAC Roll Out na ginanap sa tanggapan ng CDRRMO sa Brgy. San Gregorio nitong nakaraang linggo, kasama rin ang mga SK Chairpersons mula sa lahat ng barangay sa lungsod. Ang nasabing Barangay Drug Clearing Program roll-out ay isinagawa kasama ang mga ahensya ng PNP sa pangunguna ni PLTCOL. Wilhelmino S. Saldiva, Jr. katuwang si PSMS Pamela R. Cera, Drug Clearing PNCO; PDEA, City Health Office at mga lahat ng mga barangay sa buong kalunsuran, para masiguradong ang San Pablo ay magiging drug cleared city. Importante na masuportahan ang mga programang tulad nito na naglalayong mailayo ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo tulad ng ipinagbabawal na gamot. Mananatiling bukas ang tanggapan ng inyong lingkod para sa lahat ng ahensya na makakatulong at makakatuwang para sa magagandang adhikain tulad nito.