05/06/2026
📚🤝 BRIGADA ESKWELA 2026 🤝📚
Sa diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa edukasyon, buong pusong nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santisimo Rosario sa Brigada Eskwela 2026 ng Santisimo Rosario Elementary School at Santisimo Rosario Integrated High School.
Sa pangunguna ni SK Chairperson Hon. Kenneth Andrei Punzalan kasama ang mga SK Kagawad, nagkaloob ng mga office supplies at cleaning materials upang makatulong sa paghahanda ng mga paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang simpleng tulong na ito ay simbolo ng aming patuloy na suporta sa mga mag-aaral, g**o, at sa buong komunidad ng paaralan. Nawa’y maging ligtas, malinis, at handa ang ating mga silid-aralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
Kabataan para sa edukasyon, kabataan para sa kinabukasan! ✨