23/05/2026
Handa na ba ang lahat para sa panibagong taon ng pagkatuto?
Inaanyayahan po ang mga magulang at mag-aaral na makiisa sa Oplan Balik Eskwela 2026 na gaganapin mula Hunyo 1–11, 2026.
Layunin ng programang ito na matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral sa darating na pasukan. Nandito ang aming paaralan upang tumulong, gumabay, at sumagot sa inyong mga katanungan tungkol sa enrollment at pagbubukas ng klase.
Sama-sama nating ihanda ang bawat bata para sa matagumpay na pagbabalik sa paaralan!