07/09/2026
๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก
Noong September 6, 1834, pormal na nagbukas ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan kasunod ng pagbuwag sa Real Compania de Filipinas.
Ang pagkakatuklas ni Fr. Andres de Urdaneta sa โtornaviajeโ (ruta mula Pilipinas patungong Acapulco, Mexico) ang nagbukas sa kalakalang galyon. Nagbigay-daan ito sa mas malawak na paglalayag sa Pasipiko. Ang mga produkto mula China at iba pang bahagi ng Asya ay dinadala sa Mexico upang ipagbili, habang ang mga pilak naman mula Bolivia at sa iba pang bahagi ng Latin American ay dinadala sa Pilipinas bilang pambayad sa mga produkto. Tumaas ang demand ng Amerika at Europa para sa mga produktong Asyano habang nagsilbi namang pambayad sa China ang mga pilak. Bukod sa palitan ng produkto, nagbukas din ang kalakalang galyon sa palitan ng kultura ng Mexico at Pilipinas. Sa kabila ng masaganang kalakalan, pili lamang ang nakikinabang dito. Pili lamang ang mga nakakapamuhunan dahil sa kakulangan ng kapital at kawalan ng maayos na sistema sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto.
Bilang tugon, binuo ang Real Compania de Filipinas noong 1783 na nagtakda ng sistematiko at sentralisadong pagpapalitan ng mga kalakal sa pagitan ng Spain at mga kolonya nito gaya ng Pilipinas. Kasunod ng pagputok ng Mexican War, Napoleonic War, at pagbabalik ng mga Borbon sa kapangyarihan, noong September 14, 1813 nang buwagin ng Spanish Cortes ang kalakalang galyon. Noong August 12, 1815 nang maglayag ang huling galyon. Nagpatuloy ang Real Compania de Filipinas sa kaniyang operasyon at nagbigay ng oportunidad na magpahiram ng kapital sa mga namumuhunan sa Spain at sa mga kolonya nito. Gayunman, nagkaroon ng mga problema sa pamamalakad ang Real Compania de Filipinas. Noong September 6, 1834, tuluyang binuwag ang Real Compania de Filipinas. Ito ang nagbukas sa Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa mundo.
Sa pagbukas ng Maynila sa foreign trade, nagsimulang mamuhunan ang mga British, German, at American companies sa bansa. Nagawa rin ng Pilipinas na mag-export ng abaka, asukal, kape, bigas, indigo, at tabako sa iba't ibang panig ng mundo. Mula nang magbukas sa pandaigdigang kalakalan ang Pilipinas, namayagpag ang ilang pantalan nito gaya sa Sual (Pangasinan), Iloilo, Zamboanga, Cebu, Legaspi (Albay), at Tacloban (Leyte). Unti-unting niyakap ng Pilipinas ang kapitalismo. Namayagpag naman ang mga British investor sa mga pantalan habang lumago rin ang negosyo ng mga Chinese. Bukod rito, lumago rin ang produkto at agrikultura ng mga probinsya sa bansa gaya ng asukal sa kanlurang Visayas, kape sa Batangas, at abaka sa Kabikulan. Ilan sa mga pamilyang Filipino ang nagkaroon ng kaginhawan sa buhay. Nagbigay ito ng pagkakataon upang makapag=aral ang ilan sa Maynila at sa ibayong-dagat. Ito rin ang nagbigay-daan sa pagpasok ng ideya ng liberalismo, nasyonalismo, at kalayaan sa Pilipinas.
Project Vinta (September 6, 2020). Philippines opens to world trade. Retrieved from https://www.facebook.com/photo/?fbid=2763651713882084&set=a.462604405916732
Project Vinta (September 6, 2020). Pagbuwag sa Real Compania de Filipinas. Retrieved from https://www.facebook.com/photo/?fbid=3308617759385474&set=a.462604389250067
Project Vinta (September 14, 2025). Wakas ng Kalakalang Galyon. Retrieved from https://www.facebook.com/photo/?fbid=1167385198771979&set=a.462604405916732