30/05/2026
Nagkaisa para sa mas luntiang kinabukasan at mas matatag na pangangalaga sa kalikasan ang Roberts Automotive and Industrial Parts Manufacturing Corporation, Multiflex RNC Philippines Inc., at INOAC Philippines Corporation sa isinagawang tree planting activity sa Malabanban Watershed Forest Reserve, Brgy. Sto. Angel, San Pablo City kahapon, Biyernes, Mayo 29, 2026, na nagsimula ganap na alas-9:00 ng umaga.
May kabuuang 50 participants mula sa mga nabanggit na kumpanya ang sama-samang nagtanim ng humigit-kumulang 1,300 seedlings sa Malabanban Watershed bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang isulong ang pangangalaga sa kalikasan, pagpapanatili ng watershed, at proteksyon sa mga pinagkukunan ng tubig para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Bilang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng tubig sa lungsod, ang pangangalaga sa Malabanban Watershed Forest Reserve ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng sapat at malinis na suplay ng tubig para sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga gawaing tulad ng tree planting, sama-sama nating pinatitibay ang proteksyon sa ating likas na yaman at seguridad sa suplay ng tubig para sa mga San Pableรฑo.
Lubos ang pasasalamat ng San Pablo City Water District (SPCWD) sa Roberts Automotive and Industrial Parts Manufacturing Corporation, Multiflex RNC Philippines Inc., at INOAC Philippines Corporation, hindi lamang sa pagsasagawa ng tree planting activity sa Malabanban Watershed Forest Reserve kundi maging sa kanilang donasyon na 1,500 seedlings, na maaari pang magamit ng iba pang mga organisasyon at ahensya na nagnanais ding makibahagi sa pangangalaga ng ating watershed at kalikasan.
Patuloy na bukas ang aming tanggapan para sa mga organisasyon at institusyong nagnanais makibahagi sa mga tree planting activities sa Malabanban Watershed bilang bahagi ng ating kolektibong responsibilidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng seguridad sa suplay ng tubig.