30/05/2026
MATAGUMPAY NA LIBRENG GUPIT PARA SA KABATAAN!
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakinabang sa ating Libreng Gupit Program na ginanap para sa mga mag-aaral ng Barangay Cacabugaoan. Naging matagumpay ang gawaing ito dahil sa pagtutulungan at suporta ng ating mga kabarangay, mga volunteer barbers, at mga katuwang sa programa.
Ang simpleng serbisyong ito ay malaking tulong upang maging handa, malinis, at presentable ang ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Patuloy nating isusulong ang mga programang nagbibigay-serbisyo at nagdudulot ng positibong pagbabago sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod para sa kabataan at sa buong Barangay Cacabugaoan.