04/10/2025
๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐ข๐๐จ๐ฅ๐๐ฌ, ๐๐๐ฌ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง ๐! ๐ฐ
Umani ng papuri ang Pamahalaang Lokal ng San Nicolas sa pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez matapos makamit ang 100% compliance sa Full Disclosure Policy (FDP) mula sa taong 2024 hanggang sa unang kuwarter ng 2025. Kasama ang lahat ng LGUs sa Region 1, kinilala ang bayan bilang isa sa mga โChampions of Good Governanceโ sa rehiyon.
Ang Full Disclosure Policy ay isang mahalagang hakbang tungo sa bukas, tapat, at responsableng pamamahala. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsusumite at paglalathala ng mga kinakailangang dokumento sa FDP Portal, pinatunayan ng San Nicolas ang matibay nitong paninindigan sa transparency, accountability, at citizen empowerment.
Ayon sa opisyal na pahayag, ang 100% compliance ay patunay ng masigasig na pagtupad ng mga LGU sa Region 1 sa mga pamantayan ng mabuting pamahalaan. Sa ganitong hakbang, mas napapalakas ang tiwala ng mamamayan at mas napapalalim ang kanilang partisipasyon sa mga usaping pampubliko.
โIto ay tagumpay hindi lamang ng pamahalaan kundi ng bawat San Nicolanian. Patuloy nating isusulong ang mga gawaing makatao, makabayan, at makabuluhan,โ pahayag ni Mayor Alice.
Sa patuloy na pagsulong ng bukas na pamahalaan, inaasahang magiging inspirasyon ang San Nicolas sa iba pang bayan sa bansa upang higit pang paigtingin ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.