Brgy. Paite, San Narciso, Zambales

Brgy. Paite, San Narciso, Zambales Barangay Local Government Unit of Paite

Maraming Salamat po Provincial Government of Zambales sa pangunguna ng aming mahal na Governor Jun Ebdane, Vice Gov. Jaq...
05/12/2025

Maraming Salamat po Provincial Government of Zambales sa pangunguna ng aming mahal na Governor Jun Ebdane, Vice Gov. Jaq Khonghun, at sa lahat ng masisipag na Board Members na patuloy na naglilingkod nang may puso, dangal, at integridad. ❤️

Sa Barangay Paite, lubos po kaming nagpapasalamat sa walang sawang Hatid Serbisyo ng ating lalawigan. Tunay nga na kapag papalapit na ang Pasko, dama sa bawat tahanan ang malasakit at pagkalinga ng pamahalaang panlalawigan may handa sa hapag, may ngiti sa bawat pamilya, at may pag-asa sa bawat Zambaleño.

Mula po sa buong Barangay Paite sa pangunguna ni Kap Hon. Marcos A. Falsario,
Maraming, maraming salamat po!
Patuloy naming dadalhin ang diwa ng pasasalamat at pagkakaisa habang sinasalubong ang mas masayang Pasko ng bawat pamilyang Zambaleño.

Merry Christmas and Happy New Year Everyone! 🌟

Pabatid mga Kabarangayan! 📢WHAT: SATELLITE REGISTRATION OF VOTERSTIME: 8:00 am to 3:00 pm (cut off)WHERE: PAITE Barangay...
26/11/2025

Pabatid mga Kabarangayan! 📢
WHAT: SATELLITE REGISTRATION OF VOTERS
TIME: 8:00 am to 3:00 pm (cut off)
WHERE: PAITE Barangay Hall (November 28, 2025)


A quick visit to our beloved former Punong Barangay Delia de Dios sa Barangay Burgos, San Antonio, Zambales.Isang masaya...
11/11/2025

A quick visit to our beloved former Punong Barangay Delia de Dios sa Barangay Burgos, San Antonio, Zambales.

Isang masayang pagkikita at kwentuhan muli kasama ang ating dating pinuno na patuloy pa ring nagbibigay-inspirasyon sa serbisyo publiko.

Kasama sa pagbisita ang Barangay Councils sa pangunguna ni Kap. Marcos Falsario, bilang pagpapakita ng patuloy na pagkakaisa, respeto, at malasakit sa mga naging lingkod-bayan ng ating komunidad.


UPDATE | SITIO MABATO, BRGY. PAITENailikas at ligtas nang nakauwi ang 24 na pamilya mula sa Sitio Mabato matapos ang pan...
10/11/2025

UPDATE | SITIO MABATO, BRGY. PAITE

Nailikas at ligtas nang nakauwi ang 24 na pamilya mula sa Sitio Mabato matapos ang panganib na dulot ng mga punong maaaring bumagsak at ilang bahay na nasiraan ng bubong dahil sa malakas na hangin.

Lubos ang ating pasasalamat sa:

❤️San Narciso LGU, DSWD at MDRRMO sa pangunguna ni Mayor La Rainne Abad-Sarmiento sa agarang pagtugon at pagbigay ng tulong sa mga evacuees.

❤️Vice Mayor Richard Lance Ritual para sa mga pagkain ng ating mga rescuers kagabi.

❤️Governor Jun Ebdane sa pamamagitan nina SBM Peter T. Lim at SBM Menandro Maybituin para sa pananghalian ng mga evacuees.

❤️Nanay Bing Maniquiz at SBM Mhar Lhexter Cabaltica sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan.

Sa ngayon, nakauwi na ang mga evacuees dahil mas maganda na ang lagay ng panahon. Mababa din naman ang lebel ng tubig sa Sto. Tomas River, at patuloy pa rin ang monitoring ng mga awtoridad upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Mag-ingat po tayong lahat at patuloy na magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa.


Patuloy ang ating monitoring sa sitwasyon. Nakahanda na rin at bukas na ang Mabato Elementary School bilang evacuation a...
09/11/2025

Patuloy ang ating monitoring sa sitwasyon. Nakahanda na rin at bukas na ang Mabato Elementary School bilang evacuation area.

Mag-ingat tayong lahat!

Road Clearing and Relief Preparation Operation ilan sa paghahanda ng Barangay Paite.Patuloy ang isinasagawang road clear...
09/11/2025

Road Clearing and Relief Preparation Operation ilan sa paghahanda ng Barangay Paite.

Patuloy ang isinasagawang road clearing at paghahanda ng mga relief goods para sa mga pamilyang malubhang maaapektuhan ng Bagyong Uwan. Sama-sama nating siguruhin ang kaligtasan at agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa oras ng sakuna.

Stay Safe Kabarangayan!

Paghahanda ng Barangay para sa Bagyong “Uwan” 🌧️Pinangunahan ni Punong Barangay Marcos Falsario ang Barangay Disaster Ri...
08/11/2025

Paghahanda ng Barangay para sa Bagyong “Uwan” 🌧️

Pinangunahan ni Punong Barangay Marcos Falsario ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Meeting bilang bahagi ng maagap na paghahanda sa pagdating ng Bagyong Uwan. Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang kahandaan ng bawat komite, pagbabantay sa mga mabababang lugar na posibleng bahain, at pagtalakay ng mga hakbang sa mabilis na paglikas kung kinakailangan.

Tinalakay rin sa pulong ang pagpapalakas ng koordinasyon sa mga volunteer, tanod, at health workers, pati na rin ang paglalagay ng mga early warning devices at paghahanda ng mga evacuation centers upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Champion ang Barangay Paite sa Buntis Congress Cooking Contest na ginanap ngayong araw! 👩🏻‍🍳🍲Isang mainit na pagbati kin...
28/10/2025

Champion ang Barangay Paite sa Buntis Congress Cooking Contest na ginanap ngayong araw! 👩🏻‍🍳🍲

Isang mainit na pagbati kina BNS Johanna Jane F. Dumangas at Merly Cosme sa kanilang tagumpay at husay sa pagluluto.


📣 PAALALA MGA KABARANGAYAN!Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Paite, San Narciso, Zambales na dumalo...
25/10/2025

📣 PAALALA MGA KABARANGAYAN!

Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Paite, San Narciso, Zambales na dumalo sa ating 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY para sa CY 2025 na gaganapin sa:

🗓 Oktubre 26, 2025 (Linggo)
🕖 5:00 PM
📍 Barangay Paite Covered Court

Tema:
🎯 “ARAW NG PAKIKIBAHAGI: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly.”

Halina’t makiisa sa pagtitipong ito kung saan ilalahad ang mga naging accomplishments, mga nalalapit na proyekto, at iba pang mahalagang usaping pang-komunidad. Ito rin ay pagkakataon para maipahayag ninyo ang inyong mga saloobin, suhestiyon, at mungkahi tungo sa mas maunlad na Barangay Paite! 💪🇵🇭

Tara na’t makibahagi! Sama-sama nating isulong ang progreso ng ating barangay! 💚

Address

Paite
San Narciso
2205

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Paite, San Narciso, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share