18/09/2024
Taos-pusong pasasalamat po sa inyong napakainit na pagtanggap at walang sawang pakikiisa. Ang inyong suporta, tiwala, at malasakit sa bawat hakbang ng ating mga programa ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon at lakas na patuloy na maglingkod nang buong puso.
Sa inyong kabutihan at dedikasyon, nagiging mas madali ang ating mga layunin para sa mas maunlad at masaganang komunidad. Patuloy po tayong magtulungan, dahil sa pagkakaisa at bayanihan, tiyak ang ating tagumpay. Muli, maraming salamat po, Brgy. Bukal!