Brgy. Omaya Council

Brgy. Omaya Council Barangay Council 2023-2025

ANNOUNCEMENT๐Ÿ“ฃPARA SA MGA SOCIAL PENSION BENEFICIARIES:Ipinapaalam po sa lahat ng mga tumatanggap ng Social Pension na an...
18/05/2026

ANNOUNCEMENT๐Ÿ“ฃ

PARA SA MGA SOCIAL PENSION BENEFICIARIES:

Ipinapaalam po sa lahat ng mga tumatanggap ng Social Pension na ang nakatakdang payout para sa 2ND QUARTER ay gaganapin sa:

โ€ข Petsa: Mayo 20, 2026 (Miyerkules)
โ€ข Oras: Sa (8:00 AM ONWARDS)
โ€ข Lugar: BARANGAY OMAYA COVERED COURT

Mga Paalala:
1. Magdala ng Original Senior Citizen ID at National ID.
2. Para sa mga mag-e-claim sa pamamagitan ng Authorization Letter, siguraduhing may kalakip itong photocopy ng Senior Citizen ID at National ID ng benepisyaryo at ID ng taong mag-e-claim.
3. Hinihikayat ang lahat na sumunod sa tamang oras.

Maraming salamat po!

Ang Iyong Ultimate Guide sa Kasambahay Flowchart ๐Ÿ“‹Hinihikayat namin ang lahat ng Kasambahay sa ating Komunidad na Magreh...
26/04/2026

Ang Iyong Ultimate Guide sa Kasambahay Flowchart ๐Ÿ“‹
Hinihikayat namin ang lahat ng Kasambahay sa ating Komunidad na Magrehistro sa Barangay Hall.

Lahat ng kailangan mong malaman sa ilalim ng Republic Act No. 10361 โ€” Ang Batas Kasambahay!
Ang flowchart na ito ay nagbabalangkas sa mga legal na karapatan, proseso ng pagtatrabaho, at mga responsibilidad ng tagapag-empleyo para sa mga manggagawang sambahayan (kasambahay) sa Pilipinas.

Isa ka mang kasambahay, employer, o concerned citizen, ito ang iyong one-stop na visual na gabay sa patas at legal na domestic employment. Itaguyod natin ang dignidad at karapatan sa bawat tahanan!

ANNOUNCEMENT๐Ÿ“ฃPARA SA MGA SOCIAL PENSION BENEFICIARIES:Ipinapaalam po sa lahat ng mga tumatanggap ng Social Pension na an...
18/04/2026

ANNOUNCEMENT๐Ÿ“ฃ

PARA SA MGA SOCIAL PENSION BENEFICIARIES:

Ipinapaalam po sa lahat ng mga tumatanggap ng Social Pension na ang nakatakdang payout ay gaganapin sa:
โ€ข Petsa: April 22, 2026 (Miyerkules)
โ€ข Oras: Sa umaga(8:00 AM ONWARDS)
โ€ข Lugar: BARANGAY OMAYA COVERED COURT

Mga Paalala:
1. Magdala ng Original Senior Citizen ID.
2. Para sa mga mag-e-claim sa pamamagitan ng Authorization Letter, siguraduhing may kalakip itong photocopy ng ID ng benepisyaryo at ID ng taong mag-e-claim.
3. Hinihikayat ang lahat na sumunod sa tamang oras.

Maraming salamat po!

Paalala po sa.mga PLAYERS and AUDIENCE of SUMMER LEAGUE PLEASE DISPOSE YOUR WASTE PROPERLY. May mga Basurahan po sa pali...
10/04/2026

Paalala po sa.mga PLAYERS and AUDIENCE of SUMMER LEAGUE PLEASE DISPOSE YOUR WASTE PROPERLY. May mga Basurahan po sa paligid ng Covered Court maraming salamat po.

Warmest birthday greetings to our beloved Mayor La Rainne Abad-Sarmiento  ! Thank you for your tireless dedication, visi...
04/04/2026

Warmest birthday greetings to our beloved Mayor La Rainne Abad-Sarmiento !

Thank you for your tireless dedication, vision, and unwavering commitment to serving our municipality and making it a better place. Wishing you a day filled with happiness and a year filled with blessings. May your special day be filled with joy.

From: Barangay Omaya Council headed by Punong Barangay Joe N. Obispo

๐ŸŒ‘ ๐„๐€๐‘๐“๐‡ ๐‡๐Ž๐”๐‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โŒ›Bilang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtipid sa enerhiya. Bilang supor...
28/03/2026

๐ŸŒ‘ ๐„๐€๐‘๐“๐‡ ๐‡๐Ž๐”๐‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โŒ›

Bilang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtipid sa enerhiya. Bilang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtipid sa enerhiya, hinihikayat ng pamahalaanNakikiisa ang BARANGAY OMAYA COUNCIL sa pandaigdigang kampanya para sa ating kalikasan โ€” ang Earth Hour!

Inaanyayahan namin ang lahat ng residente at kabataan ng OMAYA na patayin ang ilaw sa loob ng isang oras simula 8:30-9:30 ng gabi. Sa loob ng isang oras, ipinapakita natin ang ating pagkakaisa at malasakit sa pamamagitan ng pagtitipid ng enerhiya at pagbibigay-halaga sa ating likas na yaman.

Ang simpleng pagpatay ng ilaw ay maliit na hakbang, pero kapag pinagsama-sama, nagiging malaking ambag para sa kalikasan.

Sa simpleng pakikiisa, malaki ang ating maiaambag para sa kinabukasan ng ating bayan at ng buong mundo.

Sama-sama nating ipakita ang malasakit para sa Inang Kalikasan.

Sama-sama tayong makiisa at maging bahagi ng pagbabago.

"Switch off Lights, Switch on Habits for Earth"





21/03/2026

๐—”๐—บ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜† ๐˜„๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐˜€๐—ฒ๐—ฒ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ? ๐—๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐—ถ๐˜ '๐˜๐—ถ๐—น๐—น ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐˜€๐—ฒ๐—ฒ ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ! โœจ

Unlock more Amusing San Narciso momentsโ€”exclusive content, hidden gems, and everyday surprises. ๐ŸŒŠ

Follow us on TikTok & Instagram:
Instagram:
TikTok:

See you there!

PANAWAGAN PARA SA KAPAMILYA NG BATANG NASA PICTURE  Kung sino man ang kapamilya ng BATANG Si JONAS ORCANA 15 years old  ...
21/02/2026

PANAWAGAN PARA SA KAPAMILYA NG BATANG NASA PICTURE

Kung sino man ang kapamilya ng BATANG Si JONAS ORCANA 15 years old from STA FE SAN MARCELINO ,napadpad PO SA Barangay Simminublan San Narciso Zambales makipag-ugnayan po kay PUNONG BARANGAY Adela Aquino

09/02/2026
09/02/2026

Nakikiisa ang Barangay Brgy Omaya San Narciso sa pagdiriwang ng Safer Internet Day (SID) for Children Philippines ngayong ika-10 ng Pebrero 2026!

Ang Safer Internet Day ay isang pandaigdigang pagdiriwang na isinasagawa sa mahigit 100 bansa upang isulong ang ligtas, responsable, at wastong paggamit ng internet, lalo na para sa mga bata at kabataan. Sa Pilipinas, ito ay opisyal na kinikilala sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 417, na nagtatakda sa ikalawang Martes ng Pebrero bilang Safer Internet Day para sa mga Batang Pilipino.

Ang tema ngayong taon na โ€œAko, Ikaw, Tayo: Konektado at Protektado Laban sa OSAEC at CSAEMโ€ ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata sa digital na mundo.

โœจ Sama-sama nating isulong ang responsableng paggamit ng internet, palakasin ang kamalayan sa mga panganib online, at tugunan ang mga hamon at oportunidad ng makabagong teknolohiya para sa mga batang Pilipino. Sentro ng pagdiriwang na ito ang tinig ng kabataan, na nananawagan ng bayanihan mula sa pamahalaan, civil society organizations, pribadong sektor, at buong komunidad.

๐Ÿค Magkaisa tayo upang gawing mas ligtas at mas protektadong espasyo ang internet para sa bawat bata.




Address

PUROK 3
San Narciso
2205

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Omaya Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. Omaya Council:

Share