Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit

Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit ˢᴷ ᶜᴴᴬᴵᴿᴹᴬᴺ ᴷᴳᴳ. ᴱᴿᴺᴱˢᵀ ᴶᴬᴺᴿᴵᶜᴷ ᴬ. ᵀᵁᴹᴬᴸᴬ
𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘨𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘴𝘦𝘳𝘣𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵.🤎

September 4, 2026Youth Fest: Cultivating Talent and GrowthDocumentation Promotional Video ContestIsinagawa ang Awarding ...
04/09/2026

September 4, 2026
Youth Fest: Cultivating Talent and Growth
Documentation Promotional Video Contest

Isinagawa ang Awarding Ceremony para sa mga kabataang lumahok sa Documentation Promotional Video Contest. 🎥🏆

Layunin na maipakilala at maipamalas ang kagandahan, kultura, mga likas na yaman, at potensyal ng ating Barangay, habang binibigyan din ng pagkakataon ang mga kabataan na malinang at maipakita ang kanilang kakayahan sa video editing, creativity, storytelling, at digital skills.

Higit pa sa kompetisyon, ang gawaing ito ay isang paraan upang mahikayat ang kabataan na matuto, maging malikhain, at maging bahagi ng pagsusulong at pagpapakilala sa ating barangay.

Congratulations to all participants!
Ang inyong talento, pagsisikap, at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga. Patuloy nating linangin ang talento at potensyal ng kabataan tungo sa growth, learning, at mas magandang kinabukasan.

🏆 YOUTH CULTURAL FEST: CULTIVATING TALENT AND GROWTH 🎬✨Documentation Promotional Video ContestCongratulations to all our...
02/09/2026

🏆 YOUTH CULTURAL FEST: CULTIVATING TALENT AND GROWTH 🎬✨
Documentation Promotional Video Contest

Congratulations to all our participants!

Sa inyong ipinakitang husay, talento, pagkamalikhain, at dedikasyon, mas lalo nating naipakikita at nakikilala ang ganda, kultura, kasaysayan, tradisyon, at yaman ng ating Barangay Calwit.

🏆 CHAMPION – ₱5,000
Girme & Danica

🥇 1st Place – ₱3,000
Aileen Alcuran

🥈 2nd Place – ₱2,000
Hazel Sarzuelo

🥉 3rd Place
Jonalyn & Anie Mae
Consolation Prize

Congratulations din sa lahat ng nakilahok! Ang inyong talento, husay, creativity, at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga at hindi matatawaran.

Huwag kayong titigil sa paglikha at pagpapakita ng inyong talento. Magpatuloy lamang at lalo pang paghusayin ang inyong kakayahan.

Sa pamamagitan ng inyong mga likha, mas maraming tao ang makakakilala sa Barangay Calwit at sa mga natatanging kwento, kultura, at yaman nito.

DISCLAIMER

Ang mga resulta at ranking ng bawat kalahok sa Promotional Video Contest ay batay sa naging desisyon ng mga hurado, alinsunod sa mga guidelines at criteria for judging na ibinigay sa lahat ng kalahok.

Ang bawat entry ay sinuri batay sa nilalaman, creativity, presentation, at iba pang pamantayang itinakda para sa contest na ito. Ang ranking ng bawat kalahok ay nakabatay sa kanilang sariling likhang video at sa kabuuang puntos na kanilang nakuha mula sa mga hurado.

Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at dapat igalang ng lahat.

Organized by:
Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬! 🎉Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit ay taos-pusong bumabati ng kay SK Kagawad Hon. John Lloyd N...
01/09/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬! 🎉

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit ay taos-pusong bumabati ng kay SK Kagawad Hon. John Lloyd Nicol sa kanyang kaarawan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at patuloy na paglilingkod para sa kapakanan at pagpapaunlad ng kabataan ng ating barangay.

Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang inyong espesyal na araw. Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan, tagumpay, at patuloy na paglilingkod.

Maligayang Kaarawan, Hon. John Lloyd Nicol! 🎂🎉

31/08/2026

YOUTH CULTURAL FEST: CULTIVATING TALENT AND GROWTH

🎥 DOCUMENTATION | PROMOTIONAL VIDEO CONTEST

ENTRY NO. 3— Aileen Alcuran

Isang makabuluhang promotional video na naglalaman ng kasaysayan, kultura, tradisyon, likas na yaman, at edukasyon na mag bibigay kaalaman sa mga mamayan ng Barangay Calwit.

Likha ng mga kabataang Calwitin, layunin ng video na maipakilala ang natatanging yaman at pagkakakilanlan ng ating barangay, at makatulong sa pagpapalakas at pagtataguyod ng lokal na turismo.

Talent, creativity, and love for our community—bida ang kabataang Calwitin!

Disclaimer ❗️
Heart reactions, shares, and views will not be counted as criteria in determining the winners. Each entry will be judged based on the official judging criteria and the decision of our judges.

However, we will also be giving out Special Awards to recognize the dedication and effort of the participants.

Thank you for your support and participation!

Organized by:
Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit

🇵🇭 NATIONAL HEROES DAY | AUGUST 31, 2026 Pagpupugay sa mga Bayaning Pilipino! Sa araw na ito, ating alalahanin at pasala...
31/08/2026

🇵🇭 NATIONAL HEROES DAY | AUGUST 31, 2026

Pagpupugay sa mga Bayaning Pilipino!

Sa araw na ito, ating alalahanin at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, panahon, lakas, at talento para sa kapwa at sa bayan.

Hindi lamang sa mga bayaning nakasulat sa ating mga aklat—kundi pati sa mga manggagawa, magsasaka, g**o, magulang, frontliners, kabataan, at bawat Pilipinong patuloy na nagsisikap para sa pamilya at bayan.

Ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa pangalan, kundi sa mga mabubuting bagay na ating ginagawa para sa kapwa at sa ating bansa.

Mga kabataan, pahalagahan natin ang kanilang sakripisyo at ipagpatuloy ang kanilang mabuting halimbawa.

Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭

YOUTH CULTURAL FEST: CULTIVATING TALENT AND GROWTH📽️ Documentation Promotional VideoCalling all participants! Ngayon na ...
30/08/2026

YOUTH CULTURAL FEST: CULTIVATING TALENT AND GROWTH
📽️ Documentation Promotional Video

Calling all participants!

Ngayon na ang deadline ng submission!

Ang lahat ng kasali ay hinihikayat na makipag-ugnayan lamang sa ating SK Chairman para sa submission at iba pang katanungan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng ating layunin na linangin at paunlarin ang kakayahan ng kabataan, lalo na sa video editing, creativity, storytelling, at promotional skills, habang ipinapakita at ipinopromote ang likas na ganda, kultura, yaman, at potensyal ng ating Barangay Calwit. 🌿🎥

Ipakita ang talento. Ikwento ang ating barangay. I-promote ang ganda ng Calwit! 🤎

📅 Deadline of Submission: August 30, 2026

25/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026

Tatlong Araw ng Saya, Pagkakaisa, Kaalaman, at Serbisyo para sa Kabataan!

Narito ang documentation ng mga makabuluhan at masasayang aktibidad na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026. Ang Coastal clean up drive at team building

Kabataan ang Bida, Kabataang Calwitin!

Address

Brgy Calwit San Narciso Quezon
San Narciso
4313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Calwit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category