04/04/2026
๐Late post everyone!!
Muli, magandang araw!
Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pagdalo sa KK Assembly 2026. Salamat sa taingang nakinig, at bibig na nagsalitaโmas naapreciate namin lalo sa tuwing sumasagot kayo, kasi proof yun na nakikinig kayo.
Pero bago tayo magkalimutan, Ilan nga ulit ang budget Sk?Sino nga ang pambansang bayani? tyaka, ano full name ng representative ni Kap? May J.r o wala? Roserio baga yun o hindi? haha sumagot may dalawang OK LAKI sa distribution ng school supplies ha HAHAHA
By the way, Ang inyong presensya, pakikinig, at pakikilahok ay patunay ng isang nagkakaisang kabataan na handang makiisa para sa ikabubuti ng ating barangay.
Salamat sa inyo.๐
At para naman sa mga hindi nakadalo, bukas at bukas-palad naming kayong inaanyayahan sa mga susunod na gawain. Sobrang dami ng kabataan natin at gusto namin sabihin na mahalaga ang inyong partisipasyon sa mga ganitong pagtitipon, dahil dito naipapahayag ang mga plano, budget, at programa na para sa inyo. Karapatan ninyong malaman, at responsibilidad naming ipaliwanag. Dahil naniniwala kami na the more na wala kayo sa ganito the more din na may question sa isip n'yo.
Tandaan: Karapatan ninyong makialam, makiisa at magsalita dahil hindi ka lang basta kabataan ikaw ay may karapatan kasi nagbabayad ka din buwis:>๐ซถ