07/07/2021
Sunod-sunod ang Pag Balik-Loob ng mga Miyembro ng NPA sa Quezon
BUENAVISTA, Quezon β Isang araw lang ang pagitan nang mayroon na namang nagbalik-loob sa ating pamahalaan sa Bayan ng Catanauan, Probinsya ng Quezon.
Kasunod ni Ka Romnick na nagbalik-loob noong ika-5 ng Hulyo, isang Ka Roman naman ang nagbalik-loob sa ating pamahalaan, kahapon ng ika-6 ng Hulyo taong kasalukuyan. Si Ka Roman ay isang magsasaka at lumaki sa Catanauan, Quezon. Ayon kay Ka Roman, nagbalik-loob siya dahil sa pangungulila sa pamilya, pagod, gutom at trauma dahil sa sunod-sunod na labanan noong taong Oktobre 2020 sa Brgy. San Pablo Suha, Catanauan at Enero 2021 sa Bayan ng Macalelon.
Nagsimula si Ka Roman bilang taga hatid ng mga panustos o supply sa grupo ng NPA sa lalawigan ng Quezon hanggang siya ay pinasampa sa loob ng kilusan bilang isang regular na miyembro ng teroristang grupong Platun Reymark, Sub-Regional Military Area 4B ng Southern Tagalog Regional Party Committee sa pangunguna ni Cecilia Mondia o kilala bilang Ka Anik, Ka Mitch, o Ka Cleo.
Sa loob lamang ng tatlong linggo, 10 na ang naitalang nagbalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng Kasundalhan at Kapulisan kaagapay ang ibaβt ibang Municipal Task Forces in Ending Local Communist Armed Conflict sa ika-3 at ika-4 na Distrito ng Quezon Province.
βDagsa ang pagbalik-loob ng mga dating miyembro ng Teroristang NPA dahil sa wala ng kabuluhan ang pinaglalaban nila. Ako ay nagagalak na marami nang namulat na mga kapatid natin na naligaw ng landas. Nangangahulugan ito ang patuloy na pagbagsak ng Komunistang Teroristang Grupo sa Probinsya ng Quezonβ, galak na mensahe ni Lt. Colonel Emmanuel G Cabahug, Battalion Commander ng 85th IB".