14/08/2026
PAGHINGI NG PAUMANHIN AT UPDATE SA SK EDU ACTION PROJECT
🙏 Humihingi po kami ng taos-pusong paumanhin sa aming mga ka-barangay, lalo na sa mga mag-aaral at magulang, dahil sa pagkaantala ng distribution ng SK Sta. Rita Bata – EDU ACTION Project.
Ang pagkaantala po ay dulot ng pagka-expire ng Fidelity Bond, isang mahalagang requirement sa paghawak at pagproseso ng mga pondo at transaksyon ng SK. Dahil dito, hindi muna maaaring ituloy o iproseso ang mga transaksyong sakop nito hangga’t hindi naaayos o nare-renew ang kinakailangang Fidelity Bond. Ito ay bahagi ng mga financial safeguard at accountability measures upang matiyak na ang bawat paggamit ng pondo ng SK ay maayos, awtorisado, at naaayon sa mga kinakailangang proseso.
📚✨ EDU ACTION: Empowering Our Youth Through Education!
Hatid ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sta. Rita Bata ang School Supplies at School Uniform Distribution Program para sa mga kwalipikadong kabataan ng ating barangay. 💙❤️💛
📌 Para sa residents ng Brgy. Sta. Rita Bata only
📌 No registration required
📌 First-Come, First-Serve basis para sa eligible students
📌 Para sa High School, Senior High School & College — abangan ang susunod na announcement para sa schedule.
Patuloy nating suportahan at bigyang halaga ang edukasyon ng ating kabataan! 🎓📖