02/06/2026
PAUNAWA
PARA SA LAHAT NG MAMIMILI AT NAGTITINDA SA PAMPUBLIKONG PALENGKE
Bilang pakikiisa sa programa ng pamahalaan Ng Bayan ng San Migue lpara sa pangangalaga ng kalikasan at upang mabawasan ang lumalalang problema sa basura, lalo na ang mga plastik na nagdudulot ng polusyon sa ating kapaligiran, ang paggamit at pamimigay ng single-use plastic bags sa loob ng Pampublikong Palengke ay mahigpit nang ipinagbabawal
Ang hakbang na ito ay naglalayong mabawasan ang dami ng basurang plastik na karaniwang itinatapon at bumabara sa mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha at pagkasira ng kalikasan. Nais din nitong hikayatin ang bawat mamamayan na maging responsable sa kanilang pamimili at paggamit ng mga materyales na makatutulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran para sa susunod na henerasyon.
Kaugnay nito, hinihiling sa lahat ng mamimili na magdala ng sarili nilang mga lalagyan at reusable na kagamitan sa tuwing mamimili sa palengke. Maaaring gamitin ang mga sumusunod:
*Eco Bag o Reusable Bag
para sa mga tuyong produkto at pangkalahatang pinamili;
*Bayong bilang
* tradisyunal at matibay na alternatibo sa plastik;
Microwavable o Reusable Food Containers para sa karne, isda, lutong pagkain, at iba pang produktong nangangailangan ng ligtas na lalagyan;
*Fish Net Bag o Mesh Bag para sa mga gulay, prutas, at iba pang sariwang produkto;
*Reusable Plastic Containers na may Takip para sa mga produktong may sabaw o likido;
Basket o Iba Pang Matitibay na Lalagyan na maaaring gamitin nang paulit-ulit.
Pinapaalalahanan din ang lahat ng nagtitinda na huwag nang magbigay o gumamit ng single-use plastic bags sa kanilang mga mamimili. Sa halip, hikayatin ang mga mamimili na magdala ng sariling lalagyan o gumamit ng mga alternatibong reusable at environment-friendly na materyales.
Ang kooperasyon ng bawat isa ay mahalaga upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating pampublikong palengke. Sa pamamagitan ng simpleng pagdadala ng sariling lalagyan, malaki ang maitutulong natin sa pagbabawas ng basura at sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Makiisa sa kampanyang:
"MAGDALA NG SARILING LAGAYAN, IWASAN ANG PLASTIKAN!"
"ECO BAG, BAYONG, CONTAINER AT FISH NET ANG DALHIN SA PALENGKE."
Ang mahigpit na pagpapatupad ng patakarang ito ay para sa kapakanan ng lahat at ng ating kapaligiran.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta.