11/08/2026
🎓✨ Batang Bhibo Project Scholarship — Ikatlong Taon ng Pagbibigay-Pag-asa! 💙
Patuloy ang ating pagsusumikap na maabot at mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang may pangarap.
Sa ikatlong taon ng Batang Bhibo Project Scholarship, katuwang natin ang Rotary Club of Makati Ayala Triangle muling nagkakaisa para sa edukasyon at komunidad para suportahan ang ating 18 mag-aaral na scholar mula sa San Miguel National High School. 📚🌟
Sama-sama nating bigyan ng daan ang bawat batang may pangarap. Dahil ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay—ito ay tulay tungo sa mas magandang kinabukasan. 💙
Batang Bhibo Project Scholarship — “Building and Helping Individuals for Better Opportunities ✨