Pamahalaang Barangay ng Sapang - San Miguel Bulacan

Pamahalaang Barangay ng Sapang - San Miguel Bulacan Official Page of Pamahalaang Barangay ng Sapang, San Miguel, Bulacan
2023 - Present

LIBRENG GUPIT AT ZUMBA! Inaanyayahan ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Sapang ang lahat ng mamamayan na...
03/06/2026

LIBRENG GUPIT AT ZUMBA!

Inaanyayahan ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Sapang ang lahat ng mamamayan na makiisa sa ating Libreng Gupit at Zumba Activity!

📍 Lugar: Covered Court, Sapang
🕖 Oras: 7:00 ng umaga

Samantalahin ang libreng serbisyo ng paggugupit bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, at makisaya sa isang masigla at nakakaengganyong Zumba session para sa kalusugan, kasiyahan, at pagkakaisa ng ating komunidad.

Sama-sama nating isulong ang kalinisan, kalusugan, at aktibong pamumuhay para sa mas maunlad na barangay!

Tara na at makilahok! Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa libreng serbisyo at masayang ehersisyo kasama ang inyong mga kabarangay.


30/05/2026
Isang masayang simula ang naghihintay sa mga mag-aaral ng Sapang Elementary School! Sa darating June 8, 2026, ay ating i...
21/05/2026

Isang masayang simula ang naghihintay sa mga mag-aaral ng Sapang Elementary School!

Sa darating June 8, 2026, ay ating ipapamahagi ang mga bagong school supplies para sa kanilang pagbabalik-eskwela.

Ang bawat kuwaderno at lapis ay simbolo ng ating pag-asa at suporta sa kanilang mga pangarap.

Layunin nito na makatulong sa mga kabataan at makabawas sa gastusin ng mga magulang sa ating Brgy! Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon ng kabataang Pilipino.


20/05/2026

Kailangan namin mga 20 bata, Grade 6 pababa na gusto maglaro basketball na may pahintulot ng mga magulang bukas May 21 , 2026 7pm. Katuwaan lang po at hanapin po si SK Nicole at SK Treas Onyok para magpalista mamaya sa court

19/05/2026

Tuloy po ang laro, hindi po basa ang court 🏀🏀🏀

19/05/2026

Tuloy-tuloy ang saya, mga Ka-Brgy! 🎉

Inaanyayahan po namin ang lahat na manood at makisaya ngayong darating na Huwebes, May 21, 2026, sa ating Covered Court.

Magkita-kita po tayo para sa isang araw na puno ng ngiti at kasiyahan kasama ang Dream Team Sakuragi!

Kitakits, mga Ka-Brgy! 🏀


Before and After 💙
18/05/2026

Before and After 💙


Address

Barangay Sapang
San Miguel
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamahalaang Barangay ng Sapang - San Miguel Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share