DepEd Tayo - San Miguel National High School

DepEd Tayo - San Miguel National High School San Miguel National High School Official page Rico

� Tanggapan ng Guidance & Counseling

Junior High School
0968-463-6390 Sir Jayson S.

PABATID SA PUBLIKO

Narito po ang iskedyul na maaaring personal na magtungo sa REGISTRAR at GUIDANCE OFFICE para sa kaukulang request ng mga dokumento.

=================================
Lunes hanggang Biyernes
8:00 nu – 5:00 nh
=================================


Para sa ilang kaugnay na tanong ay maaaring makipag-ugnayan simula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 nu - 5:00 nh sa mga sumus

unod:

REQUEST NG FORM 137

044-240-0171 / 044-240-0175
�Junior High - Registrar
� Senior High - Registrar


REQUEST NG CERTIFICATE OF GOOD MORAL
AT CERTIFICATE OF ENROLLMENT

0968-463-6400 Ma'am Jessica Ann S. Hernandez

� Email ng Paaralan
[email protected]

� School ID: 300771

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang...
12/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.

DAY ONE DONENilahukan ng pamunuan, mga g**o at mag-aaral ng SMNHS ang unang Flag Raising Ceremony ng bawat probinsya ng ...
08/06/2026

DAY ONE DONE

Nilahukan ng pamunuan, mga g**o at mag-aaral ng SMNHS ang unang Flag Raising Ceremony ng bawat probinsya ng paaralan para sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027 ngayong araw, Hunyo 8.

Nag-iwan ng mga mensahe ng pagtanggap at mga tagubilin ang ama ng paaralan, G. Marciano V. Cruz, Jr., mga Katuwang na Punongg**o, Dr. Cherilyn R. Goyena at Dr. Joselito G. Milan, gayundin ang curriculum chairpersons ng bawat baitang.

Nakatakda namang magpatuloy ang Opening Block hanggang Huwebes, Hunyo 11.

📷 Jhohanna Magtalas | Angel Gabriel | Francheska Lopez

𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐁𝐀𝐂𝐊 𝐓𝐎 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋, 𝐒𝐌𝐍𝐇𝐒𝐢𝐚𝐧𝐬!Maligayang pagbabalik sa San Miguel National High School!Sa pagsisimula ng Taong-Panur...
07/06/2026

𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐁𝐀𝐂𝐊 𝐓𝐎 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋, 𝐒𝐌𝐍𝐇𝐒𝐢𝐚𝐧𝐬!

Maligayang pagbabalik sa San Miguel National High School!

Sa pagsisimula ng Taong-Panuruan 2026–2027, buong puso naming tinatanggap ang bawat mag-aaral, lalo na ang ating mga bagong SMNHSians. Nawa’y maging makabuluhan, ligtas, at puno ng mga bagong kaalaman at karanasan ang inyong paglalakbay sa taong ito.

Ang bawat araw sa paaralan ay pagkakataon upang matuto, mangarap, at magtagumpay. Sama-sama nating harapin ang mga hamon at yakapin ang mga oportunidad tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

✨ Maging handa.
✨ Maging responsable.
✨ Maging magalang.
✨ Maging masigasig sa pag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga magulang, g**o, kawani, alumni, LGU, at mga katuwang ng paaralan na tumulong upang maging maayos at matagumpay ang pagbubukas ng klase.

𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐁𝐀𝐂𝐊, 𝐒𝐌𝐍𝐇𝐒𝐢𝐚𝐧𝐬!

Sama-sama nating simulan ang isang taon ng pagkatuto, pagkakaisa, at tagumpay.

"Sa SMNHS, bawat mag-aaral ay mahalaga, bawat pangarap ay pinahahalagahan."

📂 Marciano V. Cruz, Jr.
Punong-g**o IV

📂 Joselito G. Milan, PhD
Katuwang na Punong-g**o II
OLS - OIC, JHS

📂 Cherilyn R. Goyena, PhD
Katuwang na Punong-g**o II


𝟐 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆!Malapit na ang pinakahihintay na pagbubukas ng klase!Ang San Miguel National High School ay kaisa sa pags...
06/06/2026

𝟐 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆!

Malapit na ang pinakahihintay na pagbubukas ng klase!

Ang San Miguel National High School ay kaisa sa pagsasakatuparan ng isang ligtas, maayos, at matagumpay na pagbubukas ng Taong-Panuruan 2026–2027.

🗓️ 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀

🎒 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚
📅 Hunyo 8, 2026

👨‍👩‍👧‍👦 𝐎𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠
📅 Hunyo 9, 2026

📌 Ang talaan ng mga seksiyon ay nakapaskil na sa mga bulletin board ng bawat baitang.

🔒 𝐏𝐚𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚:
Ang talaan ng mga seksiyon ay minarapat na hindi ilathala sa social media bilang pagtalima sa Data Privacy Act at upang mapangalagaan ang pribadong impormasyon ng ating mga mag-aaral.

📍 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑

👨‍💼 Marciano V. Cruz, Jr.
Punong-g**o IV

👨‍💼 Joselito G. Milan, PhD
Katuwang na Punong-g**o II
OIC, Junior High School

👩‍💼 Cherilyn R. Goyena, PhD
Katuwang na Punong-g**o II
Senior High School – Akademiks

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐈𝐓𝐀𝐍𝐆

📚 Baitang 7
👨‍🏫 Alvin F. Mariano, PhD
📱 0956-344-7782

📚 Baitang 8
👩‍🏫 Demetria S. Mercado
📱 0968-505-5330

📚 Baitang 9
👩‍🏫 Frances-Irina B. Galvez
📱 0945-803-7866

📚 Baitang 10
👨‍🏫 Arnold P. Turla
📱 0928-147-0914

📚 Baitang 11
👩‍🏫 Clarissa P. Cajucom
📱 0923-084-3886

📚 Baitang 12
👩‍🏫 Rachelle S. Viñas
📱 0945-257-4894

📞 Para sa mga katanungan at concerns kaugnay ng enrollment, sectioning, schedule, at pagbubukas ng klase, makipag-ugnayan lamang sa mga nakatalagang tagapamahala sa bawat baitang o sa ating Public Assistance Command Center.

Sama-sama nating ihanda ang ligtas, maayos, at matagumpay na pagbubukas ng klase para sa lahat!



Sa likod ng bawat unipormeng naipamahagi ay may kuwento ng kabutihan, malasakit, at pag-asa. Sa pamamagitan ng 𝐓𝐡𝐫𝐞𝐚𝐝𝐬 𝐨...
05/06/2026

Sa likod ng bawat unipormeng naipamahagi ay may kuwento ng kabutihan, malasakit, at pag-asa.

Sa pamamagitan ng 𝐓𝐡𝐫𝐞𝐚𝐝𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐨𝐩𝐞, maraming mag-aaral ang nabigyan ng pagkakataong magsimula ng panibagong taon ng pag-aaral nang may kumpiyansa at ngiti. Ang mga unipormeng minsang naging bahagi ng inyong paglalakbay ay naging tulay upang makatulong sa iba.

Mula sa puso ng bawat natulungan, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagbahagi at nagbigay. Ang simpleng donasyon ay naging malaking biyaya para sa iba. Patuloy nawa nating ipasa ang pag-asa, isang hibla sa bawat pagkakataon. 💞

Lagi’t lagi para sa masang estudyante!

03/06/2026

“𝐔𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐬 𝐬𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡… 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐢𝐬 𝐭𝐞𝐚𝐦𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐨𝐥𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐰𝐨𝐧𝐝𝐞𝐫𝐟𝐮𝐥 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐜𝐚𝐧 𝐛𝐞 𝐚𝐜𝐡𝐢𝐞𝐯𝐞𝐝.”
— Mattie Stepanek

Sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa, pormal na sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 upang ihanda ang paaralan para sa panibagong taong panuruan.

Sa tulong ng mga g**o, magulang, mag-aaral, volunteers, at stakeholders, isang hakbang ang muling naisakatuparan patungo sa malinis, ligtas, at mas handang paaralan para sa bawat mag-aaral.

Sama-sama, para sa edukasyon. Sama-sama, para sa kinabukasan.

Marciano V. Cruz, Jr.
Punong-g**o IV

Joselito G. Milan, PhD
Katuwang na Punong-g**o II
OLS - OIC, JHS

Cherilyn R. Goyena, PhD
Katuwang na Punong-g**o ||
SHS Akademiks

Allaine Joseph P. Manuzon
Brigada Eskwela Coordinator

Video Coverage by Neo John Michael S. Sibayan | Secretariat Committee, SSLG

“𝐂𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐚 𝐛𝐞𝐠𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠; 𝐤𝐞𝐞𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬; 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬.”— Henry FordOpisyal ng sinim...
03/06/2026

“𝐂𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐚 𝐛𝐞𝐠𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠; 𝐤𝐞𝐞𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬; 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬.”
— Henry Ford

Opisyal ng sinimulan ang Brigada Eskwela nitong Hunyo 1, 2026 sa pamamagitan ng Kick-off Ceremony, isang paalala na ang
bawat bagong simula ay mas nagiging makabuluhan kapag sama-sama itong binubuo ng komunidad.

Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela, sama-sama nating inihahanda at hinuhubog ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagiging produktibo at pagkatuto. Sa bawat bayanihan, nagbubukas tayo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, pinagtitibay natin ang ating pangakong magbigay ng ligtas, maayos, at masiglang kapaligiran para sa bawat mag-aaral. Sama-sama nating simulan ang panibagong yugto ng pagkatuto at tagumpay.

Marciano V. Cruz, Jr.
Punong-g**o IV

Joselito G. Milan, PhD
Katuwang na Punong-g**o II
OLS - OIC, JHS

Cherilyn R. Goyena, PhD
Katuwang na Punong-g**o ||
SHS Akademiks

Allaine Joseph P. Manuzon
Brigada Eskwela Coordinator

Mga larawang kuha ni Julian Lei P. Ebonite | Learners’ Welfare Committee, SSLG at Jhon Khristian Magtalas | External Affairs Committee, SSLG

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Administrators, teachers, parents, students, and community stakeholders gather for the opening of Brigada Es...
02/06/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Administrators, teachers, parents, students, and community stakeholders gather for the opening of Brigada Eskwela 2026 at San Miguel National High School on June 1, officially launching this year’s campaign with the theme, “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”

The kick-off ceremony marked the beginning of a collaborative effort to prepare classrooms and school facilities for the incoming academic year, reflecting the community’s shared commitment to fostering a safe, orderly, and conducive learning environment.

Photos by: Cedrick Espiritu

𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚!Sa pamamagitan ng determinasyon at pagtutulungan, matagumpay na naidaos ang parada sa SMN...
02/06/2026

𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚!

Sa pamamagitan ng determinasyon at pagtutulungan, matagumpay na naidaos ang parada sa SMNHS upang pormal na pasimulan ang Brigada Eskwela noong Hunyo 1, 2026.

Ang matagumpay na parada ay pinangunahan ng mga Barangay Police, Scouts, SMNHS Brass Band, Administrators, PTA Members, Volunteers, SSLG, iba't ibang school clubs, at mga g**o mula Grade 7 hanggang Grade 12.

Ipinakita ng naganap na parada ang tunay na diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at pagmamahal sa ating sintang paaralan.

Sama-sama tayong magtulungan para sa mas maayos, maginhawa at maunlad na paaralan! 🩷

Marciano V. Cruz, Jr.
Punong-g**o IV

Joselito G. Milan, PhD
Katuwang na Punong-g**o II
OLS - OIC, JHS

Cherilyn R. Goyena, PhD
Katuwang na Punong-g**o ||
SHS Akademiks

Allaine Joseph P. Manuzon
Brigada Eskwela Coordinator

Mga larawang kuha ni Julian Lei P. Ebonite | Learners’ Welfare Committee, SSLG

01/06/2026

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐈𝐍: As San Miguel National High School officially concluded the opening ceremony of Brigada Eskwela 2026, Sir Marciano V. Cruz Jr., School Principal IV, took the initiative in leading the school's commitment to community collaboration aimed at improving the learning environment.

During the interview, he emphasized that regardless of an organization's size or level of involvement, working together as one team can make a significant impact in creating a child-friendly school. He further perpetuated the spirit of Bayanihan, encouraging all stakeholders to continue supporting the school and its administration for the betterment of students' academic growth.

Address

San Miguel
3011

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo - San Miguel National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share