25/03/2026
PAHAYAG
March 25, 2026
Mga kababayan,
Ang suliranin ng bayan ngayon ay ang nanganganib na pagsasara ng mga negosyo, ang pagkawala ng trabaho, at ang hirap ng bawat pamilyang Pilipino dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Ang imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng Committee on Justice ay tila ginagamit upang makabuo ng isang media narrative na magkakaroon ng “mini-trial,” batay sa umano'y hindi ko pagsagot at hindi pagdalo.
Sa ganitong paraan, ginagamit ang mga pagdinig upang makapagsagawa na naman ang House of Representatives ng ikatlong fishing expedition laban sa akin.
Muli, inuuna ang politika kaysa sa kapakanan ng milyon-milyong Pilipino na hirap na hirap dahil sa mahal na bilihin.
Malinaw na walang patakaran na nagsasabing kailangang personal na dumalo ang respondent sa impeachment complaint sa mga pagdinig ng Committee on Justice.
Naisumite ko na ang aking Answer ad Cautelam. Sa ngayon, wala nang dapat pang gawin ang Komite kundi ibasura ang mga reklamo dahil sa malinaw na kakulangan ng ebidensya.
Samantala, mas pipiliin kong ilaan ang aking oras sa pagtulong sa mga Pilipino—lalo na sa pagbibigay ng paalala, diretso sa mga komunidad, upang maibsan ang hirap sa gastusin ng mga pamilyang higit na nangangailangan.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines