06/06/2026
MAGANDANG BALITA: NAWAWALANG ANAK NG BAKA, LIGTAS NA NAIBALIK SA MAY-ARI!
Isang mabilis at matagumpay na operasyon na naman ang naipamalas ngayong araw, June 6, 2026, matapos personal na magtungo sa ating himpilan si Mr. Willie Pakando Pascual, 62 taong gulang at residente ng Purok 5, Barangay Mapuroc, San Mateo, Isabela, upang iulat na nawawala ang lalaking anak ng kanyang alagang baka.
Agad na umaksyon ang PNP SAN MATEO at nagsagawa ng agarang imbestigasyon at paghahanap. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga residente at opisyal sa mga posibleng pinuntahan ng hayop, hindi nagtagal ay nagbunga ang mabilis na pagtugon na ito.
Bandang 10:30 AM ngayong araw din, matagumpay na natagpuan mismo ng may-ari, sa tulong na rin ng ating kapulisan, ang nawawalang baka sa may boundary ng Bagong Sikat, San Mateo, Isabela at Bangar, Alfonso Lista, Ifugao. Ligtas at nasa mabuting kalagayan ang hayop nang ito ay positibong kinumpirma ng may-ari.
Ang inyong malasakit, epektibong koordinasyon, at pagkakaisa ay hindi lamang isang tunay na inspirasyon, kundi patunay na sa pagtutulungan ng PNP at mamamayan, laging may positibong bukas ang ating bayan!