02/06/2026
π Medical Station | Standby Medic Assistance
Bilang bahagi ng ating suporta sa Brigada Eskwela 2026, nagtalaga ang Aphrodite Fire and EMS Volunteer ng Medical Station at Standby Medics sa Burgos National High School upang matiyak ang kaligtasan at agarang pagtugon sa anumang medikal na pangangailangan sa panahon ng Brigada Eskwela at Parents' Orientation para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
π Special Thanks to Our Sponsors:
β’ Fire Chief Christus Cezar B. Jocson
β’ OIC 1 Paul Rones (Board of Director)
β’ OIC 2 Carlo Bercilla
"Ang tunay na bayanihan ay naipapakita sa sama-samang pagkilos, malasakit, at kusang paglilingkod para sa kapakanan ng komunidad."
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng volunteers, magulang, g**o, at mga katuwang na nakiisa upang maging matagumpay ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026. Ang inyong suporta at dedikasyon ay malaking ambag sa paghahanda ng isang ligtas, maayos, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.
β€οΈπ Aphrodite Fire and EMS Volunteer