Dulong Bayan II

Dulong Bayan II Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dulong Bayan II, Public & Government Service, #02 JONES Street, DULONG BAYAN 2, San Mateo.

Handog para sa Balik-Eskwela 2026πŸŽ’πŸ“šNoong Linggo, Hunyo 7, 2026, bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng ating mga k...
09/06/2026

Handog para sa Balik-Eskwela 2026πŸŽ’πŸ“š

Noong Linggo, Hunyo 7, 2026, bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng ating mga kabataan, nagbigay ng school supplies, pagkain, at bigas ang ating butihing Kapitan Pablo M. Flores, Jr., katuwang ang buong Sangguniang Barangay, mga barangay staff, at BPSO.

Personal na inalam ni Kapitan Pablo M. Flores, Jr. ang bawat grade level ng mga batang kabilang sa JRED upang matiyak na ang kanilang matatanggap na school supplies ay naaayon sa kanilang pangangailangan sa darating na pasukan.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga mamamayan ng JRED Abuab sa kanilang suporta, pakikiisa, at pag-assist sa ating barangay upang maging maayos at matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong pakikipagtulungan ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito para sa ating mga kabataan.

Patunay ito ng patuloy na malasakit at suporta ng ating pamunuan sa edukasyon at kapakanan ng bawat batang mag-aaral sa ating komunidad.

Mula sa inyong Barangay, hangad namin ang isang ligtas, masaya, at matagumpay na pagbabalik-eskwela para sa lahat. ❀️




πŸ“JUNE 5, 2026 | TULOY-TULOY ANG AKSYON KAHIT UMUULANSa kabila ng patuloy na pag-ulan, hindi po tumitigil ang ating mga l...
05/06/2026

πŸ“JUNE 5, 2026 | TULOY-TULOY ANG AKSYON KAHIT UMUULAN

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, hindi po tumitigil ang ating mga lingkod-bayan sa pagsasagawa ng mga proyekto para sa kapakanan ng komunidad. Ngayong araw, June 5, 2026, ay patuloy pa rin ang pangunguna ni Kapitan Pablo M. Flores Jr., kasama ang mga Kagawad, Engineering Office, at mga Bpso sa paglalagay ng tosang bilang bahagi ng pagpapabuti ng drainage system at daluyan ng tubig.

Ipinapakita nito ang kanilang dedikasyon at malasakit upang matiyak na maayos ang daloy ng tubig at mabawasan ang suliranin sa pagbaha sa ating lugar.

Lubos po ang aming pasasalamat kay Kapitan Pablo M. Flores Jr., sa buong Sangguniang Barangay, Engineering Office, at sa ating mga BPSO sa kanilang walang sawang serbisyo at agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating komunidad.

Maraming salamat din sa mga residente sa inyong patuloy na suporta, pang-unawa, at pakikiisa. Sama-sama nating itaguyod ang mga proyektong magdudulot ng pangmatagalang benepisyo para sa lahat.

πŸ“’ INFORMATION DRIVE SA VILLA 6 CLUBHOUSENoong Mayo 30, 2026 (Sabado), matagumpay na nagsagawa ng Information Drive ang L...
05/06/2026

πŸ“’ INFORMATION DRIVE SA VILLA 6 CLUBHOUSE

Noong Mayo 30, 2026 (Sabado), matagumpay na nagsagawa ng Information Drive ang Lupon Tagapamayapa kasama ang VAWC Desk sa Villa 6 Clubhouse.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng ating mga residente hinggil sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng Lupon Tagapamayapa at VAWC Desk, gayundin ang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa pagpapanatili ng kapayapaan, maayos na ugnayan sa komunidad, at pagprotekta sa karapatan ng kababaihan at mga bata.

Maraming salamat sa lahat ng residente na dumalo at nakiisa sa nasabing programa. Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang higit nating mapatatag ang pagkakaisa, kapayapaan, at kaligtasan sa ating barangay

πŸ“’ EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM Sa ilalim ng programang "Bawat Barangay Makikinabang" – Presidential Assistance to Bara...
05/06/2026

πŸ“’ EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM

Sa ilalim ng programang "Bawat Barangay Makikinabang" – Presidential Assistance to Barangay under the Socio-Civic Projects Funds, ang Pamahalaang Barangay Dulongbayan II ay magkakaloob ng Educational Assistance para sa mga kwalipikadong mag-aaral.

πŸ“ŒLimang (5) benepisyaryo ang mapipili at tatanggap ng β‚±20,000.00 bawat isa bilang tulong sa kanilang pag-aaral.

πŸ—“οΈ Pagsusumite ng mga Dokumento
June 8–9, 2026
⏰ 9:00 AM – 4:00 PM
πŸ“ Barangay Dulongbayan II Hall

βœ… Mga Kwalipikasyon
β€’ Bonafide resident ng Barangay Dulongbayan II
β€’ Incoming 4th Year College Student para sa SY 2026–2027
β€’ Kabilang sa vulnerable households
β€’ Nanganganib na huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pinansyal na kakayahan
β€’ Prayoridad ang mga mag-aaral na mula sa pamilyang walang nakapagtapos ng kolehiyo
β€’ Nakapagsumite ng katibayan na natapos ang ika-3 taon sa kolehiyo
β€’ Regular Student

πŸ“„ Mga Kinakailangang Dokumento
β€’ Valid ID na may address sa Barangay Dulongbayan II
β€’ Certificate of Registration (COR)
β€’ Kopya ng pinakahuling grades
β€’ School ID

πŸ“ Ang lahat ng aplikante ay sasailalim sa screening at evaluation process upang matukoy ang mga karapat-dapat na mairekomenda para sa scholarship.

Matapos ang screening, mangyaring maghintay ng tawag o abiso mula sa Barangay para sa susunod na proseso ng aplikasyon.

⚠️ PAALALA: Hindi maaaring mag-apply ang mga mag-aaral na may magulang, kapatid, asawa, o kamag-anak na kasalukuyang nanunungkulan o nagtatrabaho sa Pamahalaang Barangay Dulongbayan II upang matiyak ang patas at transparent na pagpili ng mga benepisyaryo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Barangay Dulongbayan II

πŸ“£ PAALALA SA MGA TAGA-BARANGAY DULONGBAYAN 2! Magandang araw po sa lahat!Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng...
16/03/2026

πŸ“£ PAALALA SA MGA TAGA-BARANGAY DULONGBAYAN 2!

Magandang araw po sa lahat!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Barangay Dulongbayan 2 na dumalo sa ating Barangay Assembly sa Sabado, March 21, 2026, alas-11:00 ng umaga, na gaganapin sa Dulongbayan Covered Court.

Tatalakayin po dito ang mga mahalagang updates at programa para sa ating komunidad. Sama-sama po tayong makiisa para sa mas ligtas, mas maayos, at mas maunlad na Barangay Dulongbayan 2! πŸ’ͺ

Kita-kits po tayo doon! πŸ‘‹

27/02/2026

PABATID | Mobile Blood Donation Activity ng MHO 🩸
Magandang araw, ka-San Mateo!
Magkakaroon po tayo ng Mobile Blood Donation Activity na inorganisa ng Municipal Health Office.
πŸ“… Petsa: Huwebes, Pebrero 26, 2026
πŸ•— Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ Lugar: DoΓ±a Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba
Inaanyayahan po namin ang lahat ng kwalipikadong indibidwal na makibahagi sa aktibidad na ito. Isang simpleng pagdo-donate ng dugo ay makatutulong sa pagliligtas ng buhay. ❀️
πŸ“Œ Mga Kwalipikasyon para sa Donors:
1️⃣ Dapat ay nasa mabuting kalusugan
2️⃣ May 6–8 oras na sapat na tulog bago mag-donate
3️⃣ Edad: 18–59 taong gulang
4️⃣ Timbang: Hindi bababa sa 50 kgs (110 lbs)
5️⃣ Walang nainom na alak o anumang nakalalasing sa loob ng 24 oras
6️⃣ Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
7️⃣ Susuriin sa site ang travel history, medications, piercing, at tattoo.
Sama-sama po nating suportahan ang gawaing makapagliligtas ng buhay.
Municipal Health Office – Bayan ng San Mateo
Katuwang ninyo sa serbisyong pangkalusugan

Isinagawa ngayong araw Pebrero 10, 2026 ang declogging sa Clemente Comp. Phase 1, Dulongbayan II bilang tugon sa agarang...
10/02/2026

Isinagawa ngayong araw Pebrero 10, 2026 ang declogging sa Clemente Comp. Phase 1, Dulongbayan II bilang tugon sa agarang pangangailangan ng ating mga Kababayan.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa aming butihing Kapitan PABLO M. FLORES JR. sa kanyang maagap na pag aksyon, gayundin sa patuloy na suporta ng ating Munisipyo, Declogging team at ng ating mga Kagalang galang na mga Kagawad.

Sama-sama nating panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa ating barangay πŸ™πŸ’ͺ🧹

TIGNAN: PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES NG DULONG BAYAN TRICYCLE OPERATOR'S & DRIVER'S ASSOCIATIONIsinagawa n...
23/01/2026

TIGNAN: PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES NG DULONG BAYAN TRICYCLE OPERATOR'S & DRIVER'S ASSOCIATION

Isinagawa ngayong araw Enero 23, 2026 pinangunahan ng ating butihing Kapitan PABLO M. FLORES JR... ang OATHTAKING CEREMONY ng mga Re-Elected and Newly Elected ng DULONG BAYAN TRICYCLE OPERATOR'S & DRIVER'S ASSOCIATION (DBTODA) Officers sa ating barangay. Layunin ng OATH TAKING CEREMONY na bigyan ng pormal na pagkilala ang mga bagong halal na officers ng DULONG BAYAN TRCYCLE PERATOR'S & DRIVER'S ASSOCIATION (DBTODA) bilang pagtatakda ng kanilang responsibilidad sa pamumuno at pagsulong ng mga programa para sa kapakanan ng kanilang kapwa mga tricycle drivers at operators.

Ang seremonyang ito ay matagumpay na naidaos sa tulong ng ating butihing Punong Barangay HON. PABLO M. FLORES JR. kasama sina Kag. Emy DB Len Kag. Echo Sarvida Adona at ang kanyang buong Coucil.

πŸ₯°πŸ₯°LATE POSTπŸŽ„πŸŽ„Masayang Christmas Party ng mga Senior CitizensπŸŽ„πŸŽ„Puno ng kantahan, sayawan, tawanan ang naganap na Christma...
08/01/2026

πŸ₯°πŸ₯°LATE POST
πŸŽ„πŸŽ„Masayang Christmas Party ng mga Senior CitizensπŸŽ„πŸŽ„
Puno ng kantahan, sayawan, tawanan ang naganap na Christmas Party ng ating mga Senior Citizens nung nakaraang Disyembre 22, 2025 ala una ng hapon sa Covered Court ng Barangay Dulong bayan II.
Labis ang kanilang tuwa at pasasalamat sa pamaskong handong nina Mayor Bartolome N. Rivera Jr. at Kapitan Pablo M. Flores Jr.
Lubos din po kaming nagpapasalamat kina Governor Nina Ricci Ynares, Congressman Jose Arturo ''Jojo'' Garcia Jr. Vice Mayor
Jaime Rommel ''Jimmy'' Roxas and to all councils sa patuloy na suporta at malasakit para sa ating mga Senior Citizens sa Dulongbayan II πŸ™πŸ™πŸŽπŸŽ
Isang selebrasyong puno ng ligaya, pagkakaisa at pagmamahalan
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat πŸŽ„πŸŽ„β€οΈβ€οΈπŸ’•

30/07/2025

πŸ“£ PAALALA SA PUBLIKO!
🚌🦷 Dental Bus to the Barrios – San Mateo, Rizal!

Hatid ng Municipal Health Office ng San Mateo ang libreng serbisyo dental para sa ating mga kababayan:
πŸͺ₯ Flouride Application
🦷 Dental Consultation
πŸ‘¨β€βš•οΈ Tooth Extraction (Bunot ng ngipin)

πŸ“ Narito ang mga petsa at lugar na pupuntahan ng Dental Bus:

πŸ”Ή Hulyo 16 – Santo NiΓ±o Riverside
πŸ”Ή Hulyo 23 – Dona Pepeng Covered Court (Resked)
πŸ”Ή Hulyo 30 – Dulong Bayan 2 Covered Court
πŸ”Ή Agosto 6 – Looban Site (Gulod Malaya)
πŸ”Ή Agosto 13 – Gravel Pit (Guinayang)
πŸ”Ή Agosto 20 – ARMPAC (Banaba)
πŸ”Ή Agosto 27 – NETRA/JRED (Netra Health Center)

πŸ‘₯ Unang 30 katao lamang kada lugar ang maaaring maserbisyuhan, kaya agahan ang pagpunta!
πŸ’‰ Huwag kalimutang dalhin ang inyong COVID vaccination card.

🦷 Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan sa ngipin!





Address

#02 JONES Street, DULONG BAYAN 2
San Mateo
1850

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dulong Bayan II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share