San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety

San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety This is the official page of the
Department of Public Order and Safety of San Mateo, Rizal

Hotline Number: 0968 196 5921 (Smart)

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave. cor JFD road sa Brgy. Ampid IMagsasagawa ng excavation w...
27/05/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave. cor JFD road sa Brgy. Ampid I

Magsasagawa ng excavation works ang Manila Water simula bukas ng gabi ng ika-28 ng Mayo hanggang ng ika-5 ng Hunyo 2026 sa kanto ng Gen. Luna Ave at JFD road sa Brgy. Ampid I.

ISASARA ang dalawang kalsada pa-Montalban sa kasagsagan ng naturang aktibidad tuwing gabi. Para sa mga patungong Montalban, maaaring gamitin ang 3rd lane (counterflow lane) sa pagdaan.

One-way traffic naman ang ipapatupad sa JFD road mula sa Gen.Luna hangang G.Reyes street papuntang Daang Bakal.

Inaabisuhan din ang mga malalaking trucks patungo Montalban na gamitin ang C6 Bypass road papuntang patiis road.

Karagdagang mga DPOS traffic enforcers din ang iiistasyon para umalalay sa mga motorista at mga pedestrian.

Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



ANUNSIYO TRAPIKO | San Mateo Farmers' Festival MotorcadeSa ating selebrasyon ng San Mateo Farmers' Festival ngayong taon...
13/05/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | San Mateo Farmers' Festival Motorcade

Sa ating selebrasyon ng San Mateo Farmers' Festival ngayong taon, magkakaroon ng MOTORCADE sa darating na Biyernes, ika-15 ng Mayo 2026, mula alas-9 hanggang alas-11 ng umaga. Magsisimula ito sa National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu at babagtasin ang kahabaan ng Gen. Luna Ave., C6 Bypass Rd., Daang Bakal Rd., MontaƱa at A. Mabini St. sa Montalban bago bumalik sa Gen. Luna Ave. patungong Natividad St. sa Brgy. Malanday.

Pansamantalang ipapatupad ang STOP-AND-GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng rutang babagtasin ng motorcade at para sa kaligtasan ng lahat, pinapayuhan ang mga motorista na magdahan-dahan at padaanin ang mga magmo-motorcade.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Viva San Isidro Labrador!



ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave. sa Brgy. Ampid I at Ampid IIMagsasagawa ng pipe drilling...
07/05/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave. sa Brgy. Ampid I at Ampid II

Magsasagawa ng pipe drilling and installation works ang Manila Water simula gabi ng ika-8 ng Mayo hanggang umaga ng ika-11 ng Mayo 2026 (Biyernes hanggang Lunes) sa Gen. Luna Ave., mula San Mateo Medical Center sa Brgy. Ampid II hanggang sa Amparo Hardware sa Brgy. Ampid I.

ISASARA ang dalawang kalsada na pa-Montalban sa kasagsagan ng naturang aktibidad. Para sa mga patungong Montalban, maaaring gamitin ang 3rd lane (counterflow lane) sa pagdaan.

Para sa kaligtasan ng lahat, magdahan-dahan sa inyong pagdaan sa nabanggit na kalsada at tingnang mabuti ang mga heavy equipment at manggagawa sa daanan. Karagdagang mga DPOS traffic enforcers din ang iiistasyon para umalalay sa mga motorista at pedestrian at upang siguraduhing walang nakaharang sa mga daanan.

Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



ANUNSIYO TRAPIKO | Santacruzang Bayan 2026Bilang pagdiriwang ng Flores de Maria ngayong taon, magkakaroon ng Santacruzan...
01/05/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Santacruzang Bayan 2026

Bilang pagdiriwang ng Flores de Maria ngayong taon, magkakaroon ng Santacruzan Procession ang National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu (NSPOLA) bukas ng gabi Sabado, ika-2 ng Mayo 2026, mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi. Babagtasin ng prusisyon ang kahabaan ng Brgy. Sta. Ana, Brgy. Guitnang Bayan I at II, Brgy. Dulong Bayan I at II, at pabalik ng NSPOLA.

Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng ruta ng prusisyon. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa Santacruzan. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna cor. Conrock sa Brgy. GuinayangSimula bukas, ika-2 ng Mayo, h...
01/05/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna cor. Conrock sa Brgy. Guinayang

Simula bukas, ika-2 ng Mayo, hanggang ika-15 ng Hunyo 2026 ay magsasagawa ng road excavation works ang Manila Water sa kanto ng Gen. Luna Ave. at Conrock, malapit sa O!Save, Brgy. Guinayang. Ito ay bilang pagpapatuloy ng kanilang sewer project.

Ipapatupad ang mga sumusunod na traffic scheme:

1. STOP-AND-GO traffic scheme sa kahabaan ng Gen. Luna cor. Conrock, malapit sa O!Save

2. Magsisilbing ALTERNATE ROUTES ang Daang Bakal Rd., Patiis Rd., at Magsikap St.

3. No Road Obstruction o mahigpit na PAGBABAWAL ng PARKING at PAGKAKABIT NG TENT sa kahabaan ng Daang Bakal Rd. at mga alternatibong ruta.

Para sa kaligtasan ng lahat, magdahan-dahan sa inyong pagdaan sa nabanggit na kalsada at tingnang mabuti ang mga heavy equipment at manggagawa sa daanan. Karagdagang mga DPOS traffic enforcers din ang iiistasyon para umalalay sa mga motorista at pedestrian at upang siguraduhing walang nakaharang sa mga daanan.

Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



ANUNSIYO TRAPIKO | The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Family Fun Run 2026Sa darating na Sabado, ika-25 ng A...
24/04/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Family Fun Run 2026

Sa darating na Sabado, ika-25 ng Abril 2026, mula alas-5 hanggang alas-7 ng umaga, magsasagawa ng isang family fun run ang The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Magsisimula ito sa kahabaan ng Miguel Cristi St. (harap ng kapilya sa Brgy. Guitnang Bayan I) at dadaan sa Daang Bakal Rd., Patiis Rd., Kambal Rd., Hilario St., P. Burgos St., Gen. Luna Ave., at pabalik sa kapilya.

Bunsod nito, pansamantalang ipapatupad ang STOP-AND-GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Daang Bakal Rd., mula Paraiso hanggang Patiis sa nabanggit na petsa at mga oras. Isasara naman ang kalsada sa Gen. Luna Ave. (patungong Marikina) para sa mga kalahok sa fun run.

Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan at bigyang daan ang mga runners o magsisitakbo.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.



TRAFFIC ADVISORY | Road Incident ReportOne lane closed along JFD road near Olopsville, Brgy. Sto.nino due to overturned ...
16/04/2026

TRAFFIC ADVISORY | Road Incident Report

One lane closed along JFD road near Olopsville, Brgy. Sto.nino due to overturned elf truck

Motorist going to Gulod Malaya or Silangan may take Cattleya street.

DPOS traffic enforcer deployed at site to assist the traffic situation.



TRAFFIC ADVISORY | Partial road closure at IBP road Quezon city due to transport rally.Slow moving traffic along the San...
13/04/2026

TRAFFIC ADVISORY | Partial road closure at IBP road Quezon city due to transport rally.

Slow moving traffic along the San Mateo-Batasan road going to Quezon City due to the on-going transport rally at IBP road.

Motorist going to Quezon City are advised to take alternate route.



09/04/2026
ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave.Simula ngayong ika-6 ng Abril hanggang ika-6 ng Hunyo 202...
04/04/2026

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Gen. Luna Ave.
Simula ngayong ika-6 ng Abril hanggang ika-6 ng Hunyo 2026 ay magsasagawa ng road excavation works ang Manila Water sa kanto ng Gen. Luna Ave. at Kambal Rd. sa harap ng San Mateo Municipal College (SMMC). Ito ay bilang pagpapatuloy ng kanilang sewer project.
Ipapatupad ang mga sumusunod:
1. Two-lane road closure sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. sa tapat ng SMMC
2. No Right Turn para sa mga sasakyang manggagaling sa Kambal Rd. patungong Gen. Luna Ave. Ang mga papuntang Rodriguez ay maaaring dumaan sa M.H. Del Pilar St. o Daang Bakal Rd.
3. No Road Obstruction o mahigpit na pagbabawal ng PARKING at PAGKAKABIT NG TENT sa kahabaan ng Daang Bakal Rd./M.H. Del Pilar St. (mga alternatibong ruta)
Para sa kaligtasan ng lahat, magdahan-dahan sa inyong pagdaan sa nabanggit na kalsada at tingnang mabuti ang mga heavy equipment at manggagawa sa daanan. Karagdagang mga DPOS traffic enforcers din ang iiistasyon para umalalay sa mga motorista at pedestrian at upang siguraduhing walang nakaharang sa mga daanan.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.


Address

3rd Floor 266 Gen. Luna Avenue
San Mateo
1850

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share