01/09/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ข๐๐ฆ ๐ก๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐ข๐๐๐๐ก ๐๐ฅ๐๐๐
Bilang tugon sa pangangailangan ng mga residenteng lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng habagat, nagsagawa ang Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno ng pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Golden Creek.
Sa pangunguna at direktiba ng ating masipag, maalalahanin, at mapagkalingang Punong Barangay, Kap. Elmer Buensuceso Manahan, ay agarang nagkakaisa at kumilos ang buong Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno upang matiyak na maabot ang mga pamilyang nangangailangan ng agarang tulong at suporta sa gitna ng naranasang kalamidad.
Katuwang ang mga masisipag at dedikadong miyembro ng Sangguniang Barangay, patuloy na isinusulong ang mabilis, maayos, at makataong paghahatid ng serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan. Ang kanilang pagkakaisa at walang sawang paglilingkod ay patunay ng isang pamahalaang barangay na handang tumugon sa oras ng pangangailangan at laging nakahandang umagapay sa kanilang nasasakupan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Elmer Buensuceso Manahan, kasama ang kanyang mga kagawad, opisyal, at kawani ng barangay, nananatiling matatag ang adhikain ng Pamahalaang Barangay ng Ampid Uno napaglilingkod ng tapat at may respeto sa tao, lalo na sa panahon ng sakuna at pagsubok.
Ang serbisyong may malasakit, pagkakaisa, at agarang pagtugon ay patuloy na magsisilbing gabay tungo sa isang mas ligtas, mas maunlad, at mas matatag na Barangay Ampid Uno.