19/08/2024
Mga , pwede po kayong mag PM sa page ni Congressman Jojo Garcia! 🫰🫰🫰
Magandang umaga mga kababayan, dahil sa napakaraming humihiling na makasama sa programang TUPAD na pinamimigay ng DOLE sa pamamagitan ng aking opisina, napagdesisyunan ko po na magbigay ng pagkakataon sa unang ISANG LIBO (1,000) nating mga kababayan na hindi pa nakatanggap ng kahit anong ayuda mula sa aking opisina, tulad ng AICS, AKAP, TUPAD, Livelihood mula sa DOLE o DSWD, scholarship mula sa TESDA at CHED, atbp..
Mula po sa araw na ito, Lunes, hanggang sa Miyerkules ng 1:00 pm (Agosto 19-21), kayo po ay mag-message ng direkta sa aking Messenger (page na CONGRESSMAN JOJO GARCIA) ng mga sumusunod na impormasyon:
1. Buong pangalan: (Last, First, Middle)
2. Birthday: (MM/DD/YYYY)
3. Address:
4. Cellphone number:
5. Picture ng valid government issued ID
6. Picture ng Voter's ID o registration.
Ang mga IDs na ito, lalong-lalo na ang Voter's ID o registration, ay kinakailangan upang masigurado na mga taga-San Mateo lamang ang makakatanggap ng ayuda mula sa aking opisina. Madami na po tayong nahuli/nadiskubre na nag-submit ng pekeng dokumento at impormasyon upang makakuha ng ayuda. Maiiwasan din po ang mga sinasabi niyo na palakasan at paulit-ulit na lang.
Sa mga magsa-submit, ang pakiusap ko po ay isa (1) lamang na aplikante kada pamilya. Sa mga hindi po aabot sa cut-off, huwag po kayong mag-alala at madami pa po tayong nakaabang na programa para sa inyo.
Asahan niyo po na ang mga benepisyong AICS, AKAP, TUPAD, TESDA at CHED scholarship, at Livelihood ng Ikatlong Distrito ng Rizal ay para lamang sa mga taga-San Mateo.