03/06/2026
πππ‘πππ ππππ₯πππ₯π¦ β π£π₯π’π¨π ππ‘π ππ₯ππ§πππ¨ππ₯πβ‘οΈ
Nagtapos man ang Mayors Cup Volleykatan Inter-Barangay Volleyball League na may 3rd Place finish para sa Banaba Chargers Menβs Team, buong puso naming ipinagmamalaki ang ipinakitang determinasyon, pagkakaisa, at pusong palaban ng bawat manlalaro sa buong torneo.
Isang espesyal na pagbati rin kay Mr. Gary Galura sa pag-uwi ng Season MVP at Best Open Spiker awards. Ang iyong sipag, dedikasyon, at husay ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating koponan.
Lubos din naming pinasasalamatan ang Banaba Chargers Womenβs Team sa kanilang walang sawang dedikasyon, sakripisyo, at representasyon ng ating barangay sa liga. Maaaring hindi naging madali ang bawat laban, ngunit ang inyong pagpupursige at pagmamahal sa laro ay tunay na kahanga-hanga at inspirasyon sa buong komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng coaches, supporters, pamilya, at mga taga-Barangay Banaba na patuloy na sumusuporta sa ating mga atleta. Ang bawat tagumpay at bawat aral mula sa liga na ito ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa kaming maging mahusay sa mga susunod na laban.
Hanggang sa muli, Banaba Chargers! Patuloy tayong lalaban at magbibigay ng karangalan sa ating barangay. β‘οΈπ
Photo credit: San Mateo Rizal PIO