19/10/2026
PABATID | LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY!
Trabaho para sa mga taga-San Mateo!
Ang Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ng isang Local Recruitment Activity (LRA) para sa ALORICA MARIKINA ito ay gaganapin sa lobby, unang palapag ng ating munisipyo sa miyerkules, ika-21 ng Oktubre 2026 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ang Alorica ay nangangailangan ng:
โข Customer Service Representatives
Para sa mga interesadong aplikante, mag register lamang sa link na ito :
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd-2dgiT52snNyayHuK-copMDTYlQB8417jHw-8pRrxfAKjFw/viewform
Magdala lamang ng inyong updated resume at black ballpen at magtungo sa tanggapan ng PESO, sa 1st floor din ng ating munisipyo, sa petsa at oras na nabanggit upang malaman ang pagproseso para sa on-the-spot interview at hiring mula sa mga HR representative ng Alorica.
Baka ito na ang hinihintay mong trabaho. Apply na! Bayan ng San Mateo, kahusayan at oportunidad ang handog sa iyo!
Wag kalimutang i-like at i-share ang aming page upang lagi kayong updated sa handog na trabaho at iba pang mga programa ng Public Employment Service Office (PESO).
Photo courtesy of Alorica.