05/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ๐ข๐ง ๐๐๐ฉ๐, ๐๐ฅ๐จ๐ ๐ฟ๐ง
Nitong Sabado ng umaga, Setyembre 5, 2026, sa kabila ng pag-ulan dulot ng Habagat, matagumpay na isinagawa ang Kalinisan Program sa sapa na matatagpuan sa Valley View Subdivision, sa pangunguna ng Pamahalaang Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal.
Layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis ang ating mga daluyan ng tubig, maiwasan ang pagbabara ng mga kanal, at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa ating komunidad.
Taos-puso ang aming pasasalamat kay Congressman Jojo Garcia at sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbibigay ng oportunidad sa ating mga kabarangay sa pamamagitan ng TUPAD Program. Malaking tulong ang programang ito, lalo na sa ating mga kababayang nangangailangan ng dagdag na kita at kabuhayan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit, suporta, at serbisyong tunay na nakatuon sa kapakanan ng ating mga kababayan. โค๏ธ๐ต๐ญ
Mabuhay po kayo, Congressman Jojo Garcia at DOLE!
Sa pangunguna ni Punong Barangay Rainier Ray Mercado, kasama ang mga Kagawad na sina:
โข Kagawad Glenn Lacerna
โข Kagawad Jhon Doromal
โข Kagawad Lisa Abad
โข Kagawad Josef Roland Balbido
โข Kagawad Crisalde Taking De Claro
Nakiisa rin ang mga kawani at katuwang ng ating Barangay:
โข Barangay Health Worker โ Elvie Valera
โข Barangay Tanod
โข BDRRMO โ Ronald L. Alonzo
โข MRF/Streetsweeper โ Emil C. Aldamar
Bumisita rin sina Konsehal Boy Salen, Konsehal Jojo Juta, Konsehal Nilo Gomez, at Konsehal Steve Naval upang personal na alamin at masuri ang kalagayan ng mga daluyan ng tubig sa ating nasasakupan.
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง, ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ! โป๏ธ
Panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran. Ugaliing paghiwalayin ang iba't ibang uri ng basura at itapon ang mga ito sa tamang tapunan.
Sa simpleng disiplina at sama-samang pagkilos, mapapanatili natin ang kalinisan at kaayusan ng ating komunidad, gayundin ay makatutulong tayo upang maiwasan ang pagbabara ng mga kanal at ang panganib ng pagbaha.
๐ Mga Kabarangay, tayo na at makiisa!
Suportahan natin ang YES to Green Program! ๐ฟ
Sama-sama para sa malinis, ligtas, at mas luntiang Barangay Gulod Malaya!
โค๏ธGulodMalaya