29/05/2026
📢 BRIGADA ESKWELA 2026
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
📢 Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang, guardians, alumni, at iba pang stakeholders na makibahagi at makiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin sa Hunyo 1–5, 2026.
Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto. Ang inyong oras, talento, at suporta ay mahalagang ambag sa paglikha ng ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Tara na at ipakita ang diwa ng bayanihan para sa edukasyon!