04/09/2026
π’ TIGNAN | FOGGING OPERATION
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo sa pagpapaigting ng mga hakbang upang maprotektahan ang komunidad laban sa dengue. π¦
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa dengue, matagumpay na isinagawa ng Municipal Sanitary Unit ang Fogging Operation noong Setyembre 2, 2026, sa Crystal Homes Subdivision, Brgy. Guitnang Bayan 2, San Mateo, Rizal.
Layunin ng isinagawang operasyon na makatulong sa pagkontrol at pagbawas ng populasyon ng lamok, partikular sa mga lugar na maaaring pagmulan ng dengue at iba pang sakit na dala ng lamok.