Sangguniang Kabataan of Brgy. Tupa

Sangguniang Kabataan of Brgy. Tupa Official Page of the Sangguniang Kabataan of Brgy. San Vicente (Tupa), San Pablo, Isabela

  || Board Passers "Education is the most powerful weapon which you can use to change the world." And now, you're armed ...
12/05/2026

|| Board Passers

"Education is the most powerful weapon which you can use to change the world." And now, you're armed and ready!

To Ma'am Angela D. Baloloy and Ma'am Clarissa M. Soriano, heartfelt congratulations on passing the March 2026 Licensure Examination for Teachers! This is a testament to your dedication, passion, and commitment to shaping young minds.

Welcome to the noble profession of teaching! May your career be filled with inspiration, rewarding moments, and the joy of making a positive impact on the lives of your students.

Mabuhay kayo, Teachers!

,Cher!

  || Board PasserElectrical Engineers are the conductors of progress, the power behind innovation, and the architects of...
01/05/2026

|| Board Passer

Electrical Engineers are the conductors of progress, the power behind innovation, and the architects of a connected world.

To Jared Kurt S. Bautista, heartfelt congratulations on passing the April 2026 Registered Electrical Engineers Licensure Examination! This is a testament to your hard work, dedication, and passion for the field.

Welcome to the ranks of those who power our future! May your career be filled with innovation, impactful contributions, and the satisfaction of illuminating the world.

Mabuhay ka, Engineer!



  || PLAYER'S NIGHT 2026 (April 25, 2026) 🏐🎉Isang gabi ng saya, kwentuhan, at bonding ang ating Players Night—kung saan ...
27/04/2026

|| PLAYER'S NIGHT 2026 (April 25, 2026) 🏐🎉

Isang gabi ng saya, kwentuhan, at bonding ang ating Players Night—kung saan pansamantalang napalitan ng tawanan ang tensyon sa court. 😆 Mula sa magkakatunggali, naging magkakasama sa iisang selebrasyon—patunay na higit sa laro, pagkakaibigan at pagkakaisa pa rin ang tunay na panalo. 💙

Salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa—isang gabing hindi lang para sa players, kundi para sa buong barangay! 🎊


  || THE CHAMPIONS OF THE BBALL GAME"Consummatum est!" - Jose Rizal Tapos na ang laban, mga Kabarangay! Pagkatapos ng da...
21/04/2026

|| THE CHAMPIONS OF THE BBALL GAME

"Consummatum est!" - Jose Rizal

Tapos na ang laban, mga Kabarangay!

Pagkatapos ng dalawang taong paghihintay sa bawat basketball season, PUROK DOS ngayon ang mag-uuwi ng bacon! 🥓 Runner Up noon, CHAMPION ngayon!

Pagbati sa lahat ng mga manlalarong piniling lumaban ng PATAS at ginamit ang sariling lakas upang iangat ang kanilang grupo. Pagbati sa mga hindi sumuko kahit anong mangyari mailaban lamang ang kanilang mga paninindigan.

Paalala lamang, wala kayong dapat patunayan sa aming mga manonood — you showing up every game, no matter how you think it is impossible to win, is something WE CAN CALL A REAL CHAMPION!

Agyaman kami ta manu aldaw nga pinaragsak da kami nga agbuya kanyayo players. Without you, haan malpas ken maaramid atuy nga activity.

Snappiest Saranghaeyo(alabyu) kano kuna agijay agcrush kanyayo HAHAHA emee(awan kasjay yo sika). Snappiest salute, everyone🫡.




  || BASKETBALL TOURNAMENT FINALS 🏀🔥 FINALS NA, BARANGAY! 🔥🏀Ito na ang pinakahihintay na laban—ang grand finals ng Inter...
19/04/2026

|| BASKETBALL TOURNAMENT FINALS

🏀🔥 FINALS NA, BARANGAY! 🔥🏀

Ito na ang pinakahihintay na laban—ang grand finals ng Inter Purok Basketball Tournament! 😤 Magtatagpo ang Purok 2 vs. Purok 7 sa laban para sa kampeonato, habang ang Purok 3 vs. Purok 6 naman ay maghaharap para sa Battle for 3rd Place. Apat na koponan, isang gabi ng matinding aksyon, at walang atrasan! 💪

Asahan ang dikdikan na laro—walang bibitaw, walang pahinga, at lahat ibibigay para sa karangalan ng kanilang purok. 😆 Sa mga manlalaro, ibuhos na ang lahat dahil ito na ang huling laban. Sa mga supporters, lakasan ang sigaw (pero tandaan—respeto pa rin ang tunay na panalo).

📣 Tara na at manood—mamayang 5:00 pm na ang laban! Dalhin ang buong barangay energy dahil ngayong finals, hindi lang bola ang iikot… pati emosyon ng bawat isa! 🔥🏆






  || VOLLEYBALL TOURNAMENT FINALS RESULTS It's a wrap! May nanalo na! 🏐🏆 CONGRATULATIONS, TEAM LESTER! 🏆🏐Matapos ang mat...
19/04/2026

|| VOLLEYBALL TOURNAMENT FINALS RESULTS

It's a wrap! May nanalo na!

🏐🏆 CONGRATULATIONS, TEAM LESTER! 🏆🏐

Matapos ang matinding bakbakan kahapon sa Volleyball Finals, nasungkit ng Team Lester ang kampeonato! 🔥💪 Sa bawat serve, receive, at solid na spike—ipinakita nila ang tunay na lakas, diskarte, at teamwork na nagdala sa kanila sa tagumpay.

Isang saludo rin sa kanilang nakalaban—walang tapon ang laban at tunay na naging kapanapanabik hanggang huling punto! 👏 Pero sa dulo, Team Lester ang nag-uwi ng korona at karangalan para sa kanilang grupo.

Panalo hindi lang sa laro, kundi sa puso ng mga sumuporta—champions indeed! 🏆🔥




  || VOLLEYBALL TOURNAMENT FINALS 🏐🔥 VOLLEYBALL FINALS NA—NGAYON NA! 🔥🏐Ito na ang pinakahihintay na sandali—walang atras...
19/04/2026

|| VOLLEYBALL TOURNAMENT FINALS

🏐🔥 VOLLEYBALL FINALS NA—NGAYON NA! 🔥🏐

Ito na ang pinakahihintay na sandali—walang atrasan, walang pahinga, at all-out na laban! 😤 Ang bawat serve may kasamang kaba, bawat receive may halong pag-asa, at bawat spike… may kasamang sigaw ng buong barangay! 💥

Sa lahat ng players, ibigay na ang best dahil ito na ang moment ninyo—walang next game, finals na ‘to! Sa mga supporters, ibuhos na ang energy (at konting boses… pero wag kalimutan ang respeto 😆).

📣 Tara na at manood ngayon na mismo! Dalhin ang barkada, pamilya, at buong cheer squad—dahil mas masaya ang finals kapag sama-sama ang barangay na sumusuporta!

Kaya kita-kits sa court—dahil sa Volleyball Finals, hindi lang bola ang lumilipad… pati emosyon ng buong barangay! 🔥🏐🏆




  || BASKETBALL TOURNAMENT SEMIFINALS🏀🔥 SEMIFINALS RESULT! 🔥🏀Matapos ang mainit at dikdikang laban ngayong araw, tagumpa...
19/04/2026

|| BASKETBALL TOURNAMENT SEMIFINALS

🏀🔥 SEMIFINALS RESULT! 🔥🏀

Matapos ang mainit at dikdikang laban ngayong araw, tagumpay na nasungkit ng Purok 2 at Purok 3 ang panalo! 💪👏 Ipinakita nila ang solid na teamwork, determinasyon, at puso sa bawat minuto ng laro—kaya naman karapat-dapat ang kanilang pagkapanalo.

Isang hakbang na lang papunta sa kampeonato—congratulations, Purok 2 at Purok 3! 🔥🏆




  || 📢 Calling all Platelet B+ blood donors!Agarang kailangan po ng Platelet B+ na dugo para sa aming SK Chairman Vincen...
05/02/2026

|| 📢 Calling all Platelet B+ blood donors!

Agarang kailangan po ng Platelet B+ na dugo para sa aming SK Chairman Vincent D. Malayao na kasalukuyang naka-confine sa St. Paul Hospital Tuguegarao at patuloy na nakikipaglaban sa sakit.

Kung kayo po ay may kakayahan at handang tumulong, napakalaking biyaya po nito hindi lang sa kanya kundi sa buong komunidad namin. 🙏

Makipag-ugnayan lamang po kay:
Billy Joe Malayao
09453229196

Isang donasyon, isang buhay ang maaaring mailigtas.
Maraming maraming salamat po sa mga magbabahagi at tutulong. 🩸

  || More Than Just a Fundraiser: It's About Supporting Vincent's LifeMahal naming pamilya at mga kaibigan, Sa mga sanda...
03/02/2026

|| More Than Just a Fundraiser: It's About Supporting Vincent's Life

Mahal naming pamilya at mga kaibigan,

Sa mga sandaling ito ng pagsubok, lumalapit po kami sa inyong mga puso upang humingi ng tulong at panalangin para sa isa sa mga pinakamahalagang tao sa aming buhay, si Vincent Malayao. Kasalukuyan po siyang nakikipaglaban sa sakit at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon sa St. Paul Hospital Tuguegarao.

Ang kanyang pagpapagaling ay nangangailangan ng malaking halaga para sa hospital bills, gamot, at iba pang pangangailangang medikal. Kaya't buong puso po kaming lumalapit sa inyo upang humingi ng kahit anong tulong na inyong maibabahagi.

Anumang halaga, gaano man kaliit, ay malaking tulong upang maibsan ang aming pasanin at matugunan ang kanyang pangangailangan. Bukod pa rito, hinihiling din po namin ang inyong taimtim na panalangin para sa kanyang agarang paggaling, lakas ng loob, at pananampalataya.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong pinansyal, maaari po kayong magdeposito sa:

GCASH
09453229196
Billy Joe Malayao

LandBank Account
Marjorie D Malayao
SA 1076 3537 23

O kaya naman, maaari rin pong makipag-ugnayan sa kanyang iba pang pamilya para sa iba pang paraan ng pagtulong.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan, pagmamahal, at panalangin. Ang inyong suporta ay nagbibigay sa amin ng pag-asa at lakas upang harapin ang pagsubok na ito.


Address

San Vicente, San Pablo, Isabela
San Mariano
3329

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 7am - 9pm
Thursday 7am - 9pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan of Brgy. Tupa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share