San Mariano CSC

San Mariano CSC NCIP Field Office covering Districts II and V of Isabela Province.

08/09/2026

๐—ก๐—–๐—œ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง ๐—˜๐—ซ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก๐—˜๐——: ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง ๐Ÿญ

Para sa transparency, accountability, at better public service, ibinabahagi namin ang proposed 2027 budget ng NCIP.

Sa likod ng bawat pondo ay may serbisyong kailangang makarating, komunidad na kailangang maabot, at mga katutubong umaasang matutugunan ang kanilang pangangailangan.

Malawak ang mandato ng NCIP at habang patuloy nating tinutupad ang mga target na itinakda para sa ahensya, kailangan din nating maging tapat sa isang mahalagang tanong: Ilang pangangailangan pa ang hindi natin naaabot?

Para sa akin, ito ang dapat maging sentro ng usapan sa budget. Hindi lamang kung magkano ang kayang gastusin, kundi kung gaano karaming buhay at komunidad ang kaya nating mapaglingkuran.

Dahil bawat kakulangan sa pondo ay may mga batang maaaring hindi mabigyan ng pagkakataong makapag-aral at may komunidad na maaaring manatiling malayo sa ating serbisyo.

Sa huli, ang tunay na sukatan ng budget ay hindi lamang ang bilang sa papel, kundi ang bilang ng mga taong napagsilbihan natin.

Ito ang Part 1 ng ating pagtalakay sa budget ng ating Komisyon. Mahalaga na alam ng ating mga kababayan kung saan napupunta ang pondo at kung ano pa ang kailangan nating gawin upang mas marami tayong maabot.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€


07/09/2026

๐Ÿ“ข LIBRENG SERBISYONG LEGAL PARA SA MGA SANTIAGUEร‘OS! โš–๏ธโค๏ธ

The IBP Isabela Chapter, in partnership with the LGU of Santiago City and NCIP, invites everyone to:

GABAY-BATAS PARA SA KATUTUBO

Santiago Legal Aid Caravan for the Indigenous Peoples

๐Ÿ“… September 8, 2026 (Tuesday)
โฐ 8:00 AM โ€“ 12:00 NN
๐Ÿ“ SB Session Hall, Santiago City

Everyone is welcome to avail of:

โš–๏ธ FREE Legal Advice and Consultation
๐Ÿ“š FREE Legal Lecture / Legal Education
๐Ÿ“ FREE Assistance in Drafting Simple Affidavits

Whether you are an Indigenous Person or simply a member of the community who needs legal guidance, you are welcome to come and seek assistance.

Know your rights. Get proper legal guidance. Bring your legal concerns to us.

Serbisyong legal, libre at para sa lahat. โš–๏ธโค๏ธ




MAP VALIDATION ACTIVITY FOR THE CALINGA ANCESTRAL DOMAIN HELD IN SAN MARIANO, ISABELAIsinagawa noong August 18โ€“20 at 25โ€“...
26/08/2026

MAP VALIDATION ACTIVITY FOR THE CALINGA ANCESTRAL DOMAIN HELD IN SAN MARIANO, ISABELA

Isinagawa noong August 18โ€“20 at 25โ€“26, 2026 ang Map Validation Activity of the Calinga Ancestral Domain sa iba't ibang barangay ng San Mariano, Isabela, bilang bahagi ng proseso ng pagpapatibay at pagpapatunay sa mapa ng claimed ancestral domain ng mga Calinga.

Isinagawa ang validation sa mga Barangay Cadsalan, Tappa, Dicamay, Buyasan, Ibujan, Macayucayu, Panninan, Del Pilar, at Libertad, kung saan aktibong nakilahok ang mga Calinga at iba pang Indigenous Peoples/Indigenous Cultural Communities (IPs/ICCs) mula sa mga nasabing lugar.

Pinangunahan at sinuportahan ang aktibidad nina Ms. Anne Marie C. Sugguiyao, Provincial Officer; Engr. Angielyn Millare, Provincial Engineer; Ms. Divine M. Lingan-Acoba, CDO III; Mr. Neilvin B. Agustin, CAO I; at Ms. Leni C. Quinto, TAA I.

Sa bawat barangay, inilahad at sinuri ang mapa ng claimed ancestral domain upang mabigyang pagkakataon ang mga komunidad na makita, mapag-aralan, maitanong, at mapatunayan ang mga impormasyong nakapaloob dito. Naging mahalagang bahagi rin ng aktibidad ang question-and-answer sessions, kung saan naipahayag ng iba't ibang grupo ang kanilang mga katanungan, paglilinaw, at pananaw hinggil sa saklaw at mga hangganan ng kanilang lupang ninuno.

Bilang pagtatapos ng validation, pinirmahan ng mga Calinga Leaders ang validated map bilang pagpapahayag ng kanilang pagkilala at pagpapatunay na ang mga impormasyong nakasaad dito ay nasuri at napagkasunduan ng kanilang mga kinatawan.

Ang ganitong proseso ay mahalaga upang matiyak na ang mapa ay hindi lamang isang teknikal na dokumento, kundi isang mapang kinikilala, nauunawaan, at pinagtitibay ng mismong mga Indigenous Peoples na may kaugnayan sa kanilang ancestral domain.

Sa bawat guhit ng mapa, naroon ang kwento, kasaysayan, at karapatan ng mga katutubong pamayanan. ๐ŸŒฟ๐Ÿค

MALIGAYANG KAARAWAN, MAโ€™AM ANNE! ๐ŸŽ‚๐Ÿ’Ang buong NCIP Isabela Family ay taos-pusong bumabati ng isang maligayang kaarawan sa...
24/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, MAโ€™AM ANNE! ๐ŸŽ‚๐Ÿ’

Ang buong NCIP Isabela Family ay taos-pusong bumabati ng isang maligayang kaarawan sa aming Provincial Officer, Ms. Anne Marie C. Sugguiyao! โค๏ธ

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang paglilingkod sa ating mga Katutubong Pamayanan. Higit sa pagiging isang lider, kayo ay isang inspirasyon sa aminโ€”sa inyong pagiging matatag, maunawain, at laging handang umalalay sa mga taong ating pinaglilingkuran.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, saya, kapayapaan ng puso, at maraming tagumpay sa buhay at serbisyo. ๐Ÿ™โœจ

Maligayang kaarawan po, Maโ€™am Anne! ๐Ÿฅณโค๏ธ
Mula sa inyong NCIP Isabela Family, maraming salamat po at mabuhay kayo! ๐Ÿ’

12/08/2026
Tiniyak ni NCIP Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco sa mga Aeta Hungey ng Sitio Binyayan, Capas, Tarlac na patulo...
11/08/2026

Tiniyak ni NCIP Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco sa mga Aeta Hungey ng Sitio Binyayan, Capas, Tarlac na patuloy na pangangalagaan ng Komisyon ang kanilang mga karapatan habang tinatalakay ang mga usaping may kaugnayan sa ipinanukalang Pax Silica Project.
Dadalhin ng NCIP ang mga boses at pangamba ng komunidad sa pakikipag-ugnayan nito sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Basahin ang ulat ng GMA News: https://www.facebook.com/gmanews/posts/pfbid0KJ8tGLWEXzRFKsFgJn1dhBTy5U6oLoVzQG224LiRku3xThhWT1pKHg6cGGHRpzhml?rdid=MmpOvUfWMbO7diQw
โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€
See less

The National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) held a dialogue with the Aeta Hungey Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) in Sitio Binyayan, Capas, Tarlac, to hear and address their concerns about the proposed Pax Silica Project.

In a Facebook post, the NCIP said its Secretary and Chairperson Nancy Catamco, Ethnographic Commissioner for Region III and the Rest of Luzon Rhodex Valenciano, and other agency representatives visited the Aeta community.

Read more:
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/997839/ncip-holds-dialogue-with-aeta-community-in-tarlac-over-pax-silica/story/

11/08/2026
CONFERENCE AND DISCLOSURE ON ACADEMIC RESEARCH | BARANGAY SINIPIT, BENITO SOLIVEN, ISABELAAugust 11, 2026 | Barangay Sin...
11/08/2026

CONFERENCE AND DISCLOSURE ON ACADEMIC RESEARCH | BARANGAY SINIPIT, BENITO SOLIVEN, ISABELA

August 11, 2026 | Barangay Sinipit, Benito Soliven, Isabela

Isang mahalagang hakbang tungo sa makabuluhang pananaliksik at paggalang sa karapatan ng mga Katutubo ang isinagawa ngayong araw sa Barangay Sinipit, Benito Soliven, Isabela, sa pamamagitan ng Conference and Disclosure para sa Academic Research na isasagawa ng mga estudyante ng Isabela State University (ISU) โ€“ San Mariano Campus, sa pangunguna ni Ms. Marinel M. Bulan.

Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga Gaddang Indigenous Cultural Community/Indigenous Peoples (ICC/IPs) at iba pang IP groups sa barangay ang layunin, saklaw, pamamaraan, at inaasahang resulta ng nasabing pananaliksik, bilang bahagi ng pagtiyak na ang kanilang mga karapatan, kultura, tradisyon, at kaalaman ay kinikilala at nirerespeto.

Ang Conference and Disclosure ay pinangunahan sa pamamagitan ng facilitation nina Ms. Stephanie Caroline O. Nalliw at Mr. Neilvin B. Agustin ng NCIP San Mariano Community Service Center (CSC).

Bilang mahalagang bahagi ng proseso, isinagawa rin ng mga Gaddang ang kanilang tradisyunal na sistema ng pagdedesisyon na tinatawag na Pattarabban.

Sa pamamagitan ng Pattarabban, malayang nagpahayag ng kanilang mga saloobin ang mga miyembro ng komunidad at sama-samang tinalakay kung kanilang papayagan ang pagsasagawa ng nasabing academic research.

Sa huli, nagkaisa ang mga Gaddang at iba pang Katutubo ng Barangay Sinipit na pahintulutan ang research, matapos ang kanilang tradisyunal na proseso ng konsultasyon at pagdedesisyon.

Ang prosesong ito ay pinangunahan ng kanilang Barangay Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), Hon. Ferdinand L. Castillo, na may buong suporta naman ng kanilang Barangay Chairman, Hon. Manuel Latawan.

โœจ Ang nasabing aktibidad ay nagpapakita na ang pananaliksik na may kaugnayan sa Indigenous Peoples ay higit pa sa pangangalap ng impormasyon. Ito ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan, konsultasyon, paggalang sa kultura, at pagkilala sa sariling sistema ng pamamahala at pagdedesisyon ng mga Katutubo.

Sa pamamagitan ng mga ganitong proseso, naitataguyod ang isang pananaliksik na hindi lamang academic, kundi higit sa lahat ay makatarungan, sensitibo sa kultura, at may paggalang sa karapatan at dignidad ng mga Indigenous Peoples.

โค๏ธ๐ŸŒฟ Puso para sa Katutubo โ€” Kultura, Karapatan, at Kaalaman ay Igalang at Pahalagahan.

Address

Zone 1
San Mariano
3332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mariano CSC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share