San Marcelino Public Information Office

San Marcelino Public Information Office This is the official page of LGU-San Marcelino, Zambales.

  Weather Advisory No. 10For: Southwest Monsoon (Habagat)Issued at: 11:00AM, 01 June 2026HEAVY RAINFALL OUTLOOK DUE TO H...
01/06/2026



Weather Advisory No. 10
For: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 11:00AM, 01 June 2026

HEAVY RAINFALL OUTLOOK DUE TO HABAGAT

Batay sa inilabas na Heavy Rainfall Outlook ng DOST-PAGASA, simula bukas, Hunyo 2 hanggang Huwebes, Hunyo 4, asahan ang 50-100mm (MALAKAS) na pag-ulan sa Zambales dahil sa Habagat.

Inaabisuhan ang lahat na paghandaan ang dulot ng pag-ulan.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS"

JUNE IS PHILIPPINE ENVIRONMENT MONTH Ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating mahal na Hon. Mayor E...
01/06/2026

JUNE IS PHILIPPINE ENVIRONMENT MONTH

Ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month ngayong Hunyo 2026.

Ito ay bilang pagsunod sa Proclamation No. 237 na inaprubahan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong Abril 4, 1988, na nagdedeklara sa buwan ng Hunyo kada taon bilang Philippine Environment Month upang mas mabigyan ng pansin at upang mas mapaigting ang mga programang magbibigay ng angkop na proteksyon at pangangalaga sa ating mga natatanging likas na yaman.

Alinsunod sa layunin ni Mayor Soria at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni MENR Officer Marvin Beltran ay patuloy na magsagawa ng mga programang nakatuon sa kaayusan ng kalikasan.

Sama-sama nating isulong ang mga gawaing makakalikasan upang matiyak ang isang mas maayos at sustenableng kinabukasan para sa susunod na mga henerasyon.

Ang kalikasan ay buhay. Ang pangangalaga rito ay pananagutan ng bawat isa. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran para sa isang mas luntiang bukas!

Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!

PHILIPPINE FLAG TRIVIA! Bilang pagdiriwang ng National Flag Days, natatandaan niyo pa ba ang mga simbolo at kahulugan sa...
01/06/2026

PHILIPPINE FLAG TRIVIA!

Bilang pagdiriwang ng National Flag Days, natatandaan niyo pa ba ang mga simbolo at kahulugan sa ating Pambansang Watawat?

Narito ang ilang trivia sa likod ng ating bandila.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

01/06/2026

WATCH: Kasalukuyang nararanasan ang malakas na pag-ulan sa San Marcelino, ngayong umaga, Hunyo 1.

Ang pag-ulan ay dulot ng thunderstorm dala ng Southwest Monsoon o habagat na pinapalakas ng bagyong .

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

 : ZAMBALES THUNDERSTORM ADVISORYISSUED: 8:10AM, 01 JUNE 2026 Malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa San Marcelino,...
01/06/2026

: ZAMBALES THUNDERSTORM ADVISORY
ISSUED: 8:10AM, 01 JUNE 2026

Malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa San Marcelino, Castillejos, San Antonio at ilang bahagi ng San Nariciso na tatagal ng isang oras.

Para sa anumang emergency, mangyaring tumawag sa MDRRMO San Marcelino 0908-888-3776



"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

It's okay to reward yourself, Kailian!Happy Monday!"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"...
31/05/2026

It's okay to reward yourself, Kailian!

Happy Monday!

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

Hello June!Sa pagpasok ng panibagong buwan, anong wish mo, Kailian?"Edukasyon....Respeto...Serbisyong tapat...para sa in...
31/05/2026

Hello June!

Sa pagpasok ng panibagong buwan, anong wish mo, Kailian?

"Edukasyon....Respeto...Serbisyong tapat...para sa inyo MARCELINEANS!"

 : WEATHER BULLETIN NO. 13FOR TYPHOON   (JANGMI)ISSUED: 5:00AM, 01 JUNE 2026BAGYONG DOMENG, NAPANATILI ANG LAKAS HABANGP...
31/05/2026

: WEATHER BULLETIN NO. 13
FOR TYPHOON (JANGMI)
ISSUED: 5:00AM, 01 JUNE 2026

BAGYONG DOMENG, NAPANATILI ANG LAKAS HABANGPAPALAYO NG BANSA

Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 650 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 130kph at pagbugso na 160kph. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Ang bagyo ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong umaga ngunit patuloy nitong maiimpluwensiyahan ang habagat.

Patuloy na umiiral ang Habagat na nakakaapekto na sa Central Luzon, Southern Luzon, at kanlurang bahagi ng Visayas.

Dahil sa Habagat, asahan ang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Zambales simula bukas, June 2.

Ngayong Lunes, maulap hanggang sa maulap na panahon ang asahan sa probinsya. May mga tyansa ng pag-ulan sa ilang bahagi ng lalawigan.

Manatiling naka antabay sa ipinapalabas na weather updates ng San Marcelino Weather Center at MDRRMO San Marcelino.



"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"
See

31/05/2026

Agyaman kami manen Apo nga nailangitan ta nakaradkad kami nga bimmangon. Tarabayen nakami kuma Ken ikkan nakami ti naananay nga pigsa nga sumango ti baro nga aldaw. Amen.

PAG-ULAN DULOT NG HABAGAT, POSIBLENG MARANASAN SA ZAMBALES SIMULA MARTES, HUNYO 2Nagbabadya ang maulang panahon sa Zamba...
31/05/2026

PAG-ULAN DULOT NG HABAGAT, POSIBLENG MARANASAN SA ZAMBALES SIMULA MARTES, HUNYO 2

Nagbabadya ang maulang panahon sa Zambales dahil sa inaasahang pag-iral ng Southwest Monsoon o Habagat na palalakasin ng bagyong , batay sa kasalukuyang ipinapakita ng mga weather model.

Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Zambales at iba pang lalawigan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas bunsod ng pinaigting na Habagat.

Dahil dito, pinaalalahanan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Marcelino ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang lahat na regular na subaybayan ang mga abiso mula sa PAGASA at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

Address

San Marcelino
2207

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Marcelino Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to San Marcelino Public Information Office:

Share