02/06/2026
Isang mapagpalang araw sa lahat ng aming ka-barangay!
Buong puso at taos-pusong ipinapaabot ng 𝐍𝐚𝐫𝐫𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 ang aming lubos na pasasalamat sa 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥, sa matatag at masigasig na pamumuno ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐞𝐧𝐧𝐞𝐭𝐡 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐨 𝐒. 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐚𝐭 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐀𝐥𝐚𝐢𝐧 𝐉𝐞𝐫𝐢𝐜𝐨 𝐒. 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳, para sa matagumpay na pagkumpleto ng road construction project dito sa Barangay Narra.
We are happy to announce that the main road is now officially open.
Ang proyektong ito ay hindi lamang simpleng pagsasaayos ng kalsada. Ito ay pagsasaayos ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay daan tungo sa mas ligtas na pagbiyahe ng ating mga estudyanteng pumapasok sa paaralan, ng ating mga magsasakang naghahatid ng ani sa pamilihan, ng ating mga manggagawa at motorista, at ng bawat pamilyang naninirahan sa Barangay Narra.
Sa loob tatlong buwan, naging hamon sa aming komunidad ang saradong daan. Ngunit sa pamamagitan ng inyong agaran at tapat na pagtugon, narito na ngayon ang isang maayos, konkreto, at ligtas na kalsadang mapapakinabangan ng kasalukuyan at ng mga susunod pang henerasyon.
Kinikilala po namin ang inyong dedikasyon sa serbisyo-publiko at ang inyong malasakit na hindi lamang nakatuon sa kabayanan, kundi umaabot hanggang sa pinakaliblib na barangay. 𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐲𝐞𝐤𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐨 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 𝐚𝐲 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭.
Muli, mula sa bumubuo ng Narra Barangay Council at sa ngalan ng lahat ng residente ng Barangay Narra, maraming-maraming salamat po, Mayor Kenneth Marco S. Perez, Vice Mayor Alain Jerico S. Perez, at sa buong LGU San Manuel. Ang inyong suporta ay magsisilbing inspirasyon sa amin upang patuloy na maglingkod nang tapat sa aming mga ka-barangay.
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐫𝐫𝐚 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥!