06/08/2022
BATAS NA!
Ang layunin para sa dagdag proteksyon ng mga bata mula sa sekswal na pang-aabuso at eksploytasyon ay isa nang ganap na batas. Kalakip nito ang mas pinaigting na responsibilidad ng pribadong sektor--partikular na sa internet service providers, money remittance centers, at electronic service providers kagaya ng ating mga kinagigiliwang social media sites--sa pag takedown ng child sexual abuse and exploitation materials at pakikipagtulungan sa mga awtoridad na mapanagot ang mga nang-aabuso sa mga bata.