26/03/2026
Mensahe ni Hon. Ramorelia P. Lodriguito-Caranay, Presiding Judge, sa Buwan ng Kababaihan
๐๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ. ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง. ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ-๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ.
Ito ang mensaheng ibinahagi ni ๐๐จ๐ง. ๐๐ฎ๐๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐๐ฅ๐ข๐ ๐. ๐๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐ข๐ญ๐จ-๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ฒ, ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐๐๐ ๐๐๐ง ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ฅ-๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ซ๐, ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ญ ๐๐ข๐๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐, bilang pakikiisa sa temang โLead like the Babaylans, Filipinas!โ
Aniya, ang pamumuno ng kababaihan ay malalim na nakaugat sa ating kasaysayan at kultura, kung saan ang mga Babaylan ay kinilala bilang mga pinuno, manggagamot, tagapayo, at tagapangalaga ng kapakanan ng komunidad, na namuno nang may karunungan, malasakit, at tapang.
Dagdag pa niya, mahalagang isulong ang katarungan, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa dignidad ng bawat tao, at ipinaaalala ang prinsipyo na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
Binigyang-diin din niya na ang tunay na katarungan ay makikita sa isang lipunang nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahatโlalo na sa kababaihan at kabataan, at sa pagbibigay-kapangyarihan sa kanila, nababago ang kanilang buhay, pamilya, komunidad, at ang buong mundo.
Ang panawagang โLead like the Babaylans, Filipinas!โ aniya, ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan kundi isang paanyaya sa bawat Pilipina na mamuno nang may integridad, malasakit, at tapang sa tahanan, paaralan, komunidad, at sa anumang larangan.
Sa huli, hinikayat niya ang lahat na patuloy na isulong ang adbokasiya at kilalanin na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao, tungo sa isang mas makatarungan at mas maunlad na lipunan para sa lahat. ๐