04/09/2026
MAKABAGO AT LIBRENG GAMUTAN, MAS MALAPIT NA SA MGA BATANGUEÑO.
May gallstones? Mas madali na at, at libre pa!
Pormal nang inilunsad kahapon, Setyembre 3, 2026 ang kauna-unahang Laparoscopy Surgery sa mga District Hospital sa Tuy at Lemery, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Batangas.
Sa Batangas District Hospital sa Lemery, magiging libre ang minimally invasive laparoscopy procedure para sa mga kwalipikadong pasyenteng may gallstones, na nagbibigay ng mas makabagong paraan ng paggamot na hindi nangangailangan ng malalaking hiwa.
Pinangunahan ni Governor Vilma Santos-Recto ang paglulunsad, kasama sina Lemery Mayor Ian Alilio, (DOH) Center for Health Development CALABARZON Regional Director Dr. Adrian P. Suba-an; Dr. Phoebe S. Tajanlangit, Director III ng Health Facilities Enhancement Program Management Office (HFEP-MO); Provincial DOH Office Team Leader Dr. Eloisa Baylosis Derain at ang mga Department Heads ng Kapitolyo.
Dahil ang makabagong serbisyong medikal ay hindi dapat maging pribilehiyo lamang ng iilan.
Mas makabagong teknolohiya. Mas abot-kayang gamutan. Mas malusog na Batangas.