17/08/2026
Alinsunod sa Presidential Communications Office (PCO) Memorandum Circular No. 127, ipatutupad ngayong August 17, 2026 ang Alternative Learning Modes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa San Juan dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na anunsyo, at higit sa lahat, unahin ang kaligtasan.
Mag-ingat po tayong lahat!
Calubcob I National High School (CNHS)
Learners Today, Leaders Tomorrow
π£ππππ§ππ π¦π π£π¨πππππ’ | πππ§ππ₯π‘ππ§ππ©π πͺπ’π₯π ππ₯π₯ππ‘πππ ππ‘π§π¦ π¦π π ππ π§ππ‘ππππ£ππ‘ π‘π ππ’ππ¬ππ₯π‘π’; πππ§ππ₯π‘ππ§ππ©π ππππ₯π‘ππ‘π π π’πππ¦ π¦π π ππ π£πππ₯ππππ‘ π‘πππ¬π’π‘π πππ’π¦π§π’ ππ³, ππ£ππ§π¨π§π¨π£ππ π¦π π¦ππ‘ ππ¨ππ‘
Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), ipatutupad sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang alternative work arrangements simula alas-12:00 ng tanghali ngayong Agosto 17, 2026.
Dahil dito, pansamantalang hindi isasagawa ang regular na face-to-face na transaksyon sa mga tanggapan ng Munisipyo simula alas-12:00 ng tanghali. Gayunman, mananatiling operational ang mga tanggapan at kawani na kabilang sa disaster response, health services, at iba pang essential services upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
Samantala, ipatutupad din sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Juan ang alternative learning modes bilang tugon sa posibleng epekto ng Habagat.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Bayan at iba pang kinauukulang ahensya, at unahin ang kaligtasan sa gitna ng banta ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
https://www.facebook.com/share/p/1BfY1KZmY3/
via Presidential Communications Office
Posted today: August 17 (10:53 a.m.)