18/12/2025
Taos-pusong nagpapasalamat ang Lipahan National High School sa tulong-pinansyal na ipinagkaloob ng Pangalawang Ama ng Bayan ng San Juan, Kgg. Octavio Antonio L. Marasigan, na nagkakahalaga ng Php 218,740.00, para sa pagsasaayos ng gumuhong bahagi ng bakod ng aming paaralan.
Maraming salamat din po sa aming butihin at masigasig na PTA President, Gng. Ma Reynalyn Velasquez, gayundin po sa ama ng Barangay Lipahan, Kgg. Rommel Magsino, na naging instrumento upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Malaking tulong po ito sa amin at itinuturing naming isang malaking utang na loob sapagkat mas mapangangalagaan ang kaligtasan ng aming mga mag-aaral at ng buong pamayanan ng paaralan.
Sa pamamagitan ng maayos na bakod, mas magiging ligtas at maayos ang kapaligiran na mahalaga sa pagkatuto ng mga bata.
Maraming salamat po sa patuloy na malasakit at suporta ninyo sa edukasyon at sa Lipahan National High School.
Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal. ❤️